CHAPTER 13

25.6K 1K 141
                                    

CHAPTER 13

"NGAYON ko lang napagtanto na mahalaga ka na rin pala sa akin. Ayaw kitang mawala, Elliot. Takot akong masaktan pero mas natatakot ako sa sakit na mararamdaman ko kung sakaling pakakawalan pa kita. I don't want to regret one day."

"What do you mean, Safina?"

"Elliot... ayaw kitang mawala."

"Y—you mean..."

"Yes, Elliot. I'm giving us a chance."

"Oh, yes!"

"KAYO na ni Miss Dimaunahan? Seriously? How the hell did that happen?"

Muntik ko nang masuntok si Micaller nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. Hindi ko napansing nakabalik na pala siya mula sa private room. Tumawag kasi ang kanyang asawa.

The happiest day of my life has been playing in my mind overnight. Hanggang ngayon ay hindi pa irn ako makapaniwalang akin na si Safina—officially. Pagkatapos ng ilang linggo kong panunuyo sa kanya ay nagbunga rin sa wakas ang paghihirap ko.

"Why the fck do you sound like I'm not telling the truth, Micaller? Wala ka bang tiwala sa kakayahan kong magpa-ibig ng isang babae?" I yelled at Levi. Ngayon ko lang kasi napansing nakangisi siya habang pinagmamasdan ako.

Sinabihan ko kasi siyang tigilan na nila ang kakareto ng kung sinu-sinong babae sa akin dahil kamio na ni Safina pero pinagtawanan lang niya ako. He even looked at me suspiciously. Na para bang isang nakatatawang balita ang sinabi ko kanina.

"So, are you saying that you are now one of us?" It was Theo. His hands were resting at the railings of the lobby. Nakaugalian na naming dito magkikita-kita palagi kapag kailangan naming mag-usap tungkol sa Zero Degree chain of businesses. Sa tinagal ng panahon ay marami na kaming naipatayong mga infrastructures na may tatak ng Zero Degree.

Kinunutan ko ng noo si Theo.

"Hindi ibig sabihin na kami na ni Safina ay matutulad din ako sa inyong tatlo. Geez! Hindi ko gagawin ang mga kabaliwan ninyo."

Naalala ko pa 'yong hinabol ng mga aso si Micaller noong nililigawan niya palang si Heaven, ang asawa niya ngayon. Napa-donate siya nang wala sa oras sa simbahan nang dahil din sa babae. Higit sa lahat, hindi siya sinipot sa unang kasal nila. Pft! Si Dela Vega naman ay nagpabugbog sa ama ng asawa niya dahil sa katarantaduhan. Ilang beses din namin siyang sinundo noon sa Bicol dahil lagi siyang naglalasing. Ang pinakamalala ay si Montreal, tangina! Hindi ko makalimutan 'yong muntik na kaming mamatay na tatlo mailigtas lang si Arianne. Tss.

"Don't think that you are not changing because of Safina, Madrigal. Nakalimutan mo na bang sumumpa kang hinding-hindi ka na sasakay ng eroplano na hindi ako ang nagmamaneho?"

I hissed. It's true that I did not man the plane when we came back from Cebu. Noong papunta ay ako ang nagmaneho sa takot ko. Pero napagtanto kong mas gusto kong makasama si Safina na walang ibang iniisip kundi kaming dalawa lang. Thankfully, we landed safe back to Manila.

"You're so full of yourself, Madrigal. Nakalimutan mo na bang isinumpa mong hindi ka iibig sa isang babae? Ano ngayon ang nangyari? Kinain mo lahat ng sinabi mo. Simula pa lang 'yan. Love can make you break even the hardest wall, Madrigal."

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Micaller. This is the reason why I am not telling them the whole thing about me and Safina. Aasarin lang nila akong tatlo. Tss.

"Nothing can compare to the happiness a family can give, Madrigal. Kapag may mga anak ka na, lalo mong mamahalin ang asawa mo. It's just like you will fall for her harder than you did the first time."

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon