CHAPTER 12

25.2K 1.1K 116
                                    

CHAPTER 12

"MEMBER of an exclusive elite band, Zero Degree, Elliot Madrigal, spotted with a girl in Cebu."

Nakangising binasa ni Micaller sa harapan ko ang article na nabasa niya online. I glared at him and took a sip from my beer. We are at the Zero Degree bar.

"Exclusively dating," he mumbled and grinned like an idiot.

"Tangina, hindi ko akalaing ang lakas na pala ng tama mo kay Miss Dimaunahan. Pft!"

"Shut up, Micaller!"

"Tsk! 'Yan ang problema sa 'yo, Madrigal. Ayaw mong aminin sa sarili mo na natatablan ka rin ng mahiwagang pag-ibig. Pft!" It was Sid who just entered the private room. This is also the main office that we use here inside the bar.

"Isa ka pa! Nandito tayo para pag-usapan ang expansion natin, hindi ang buhay ko! Tanginan ninyong dalawa!" Sinamaan ko silang dalawa ng tingin. Imbis na tumahimik ay lalo pang lumawak ang kanilang mga ngisi. Mga hayop.

Nagkatinginan silang dalawa. Actually, kanina pa ako nandito. Hindi kasi ako makatulog kaya maaga akong umalis ng condo.

"Nasaan na ba kasi si Montreal? Lagi na lang siyang late. Nag-asawa lang lagi nang nali-late. Seriously?"

"Drop it, Madrigal. Baka kapag ikaw ang nag-asawa, hindi ka na talaga sisipot sa meeting," sagot ni Theo pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Speaking of the devil. Nandito na siya. Diresto siyang naupo sa kaharap kong couch saka kinuha ang inabot ni Micaller na wine glass.

"Baka mas gugustuhin mo na lang makipagharutan sa asawa mo kesa mag-bar," sulsol ni Sid. Sa aming apat siya ang pinakamatinik manganak. Inaaraw-araw niya yata ang kanyang asawa.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi ang hilig mong humarot sa asawa mo. Kaya nga buntis na naman siya, 'di ba?" I darted back. Ngumisi lang siya.

"Bakit ikaw, Madrigal? Ayaw mo bang dumami ang lahi mo?" aniya.

Of course, I want to have kids-a dozen of them. Para naman hindi ko dadanasin ang dinanas ng magaling kong ama. I just raised my middle finger as a response to Dela Vega.

"Sigurado ka na ba talaga kay Miss Dimaunahan, Madrigal? You're on the spotlight since last week."

Napatahimik ako. Isang linggo na akong naiirita sa mga media na gustong mag-interview sa akin pero mabuti na lang at maasahan ang mga tao ko sa opisina kaya nagagawan nila ng paraan. Tinutulungan din ako ni Montreal na maging mas pribado ang buhay ko. Hindi ko lang alam kung ano'ng ginagawa niya kaya malinis ang bawat dinadaanan ko.

"Well, she's interested with me already." I took another shot. Safina's face flashed in my mind. Siya ang dahilan kung kaya't hindi ako makatulog. I've been thinking about her.

"Ibig sabihin niyan nagbabagong buhay ka na? Paano naman si Beatrice?"

I stilled. Sinamaan ko ng tingin si Sid.

"Wala akong pakialam kung bumalik siya." Ngunit ngumisi lang sila sa isinagot ko.

"Your eyes do not tell exactly what you are saying, Madrigal. You are still into her, right?" Si Montreal.

"Of course, not!" I hissed.

"First love never dies, Madrigal. Never," Micaller exclaimed like a devil. I grunted. Ni isang lagok ko ang laman ng aking kopita.

"Huwag mo akong itulad sa 'yo, Micaller. I do not recycle my garbage."

They looked at each other and laughed. Muli akong sumalin ng alak. Putangina, gulong-gulo ang utak ko.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon