CHAPTER 16
"ARE you sure about this, Madrigal? Hindi ba masyadong mabilis? Para kang naghahabol ng last trip papuntang Tawi-Tawi. 'Yong totoo? Nasa katinuan ka pa ba?"
I glared at Micaller's remarks. Imbis na matuwa sila sa akin dahil sa wakas ay engaged na ako ay parang sila pa yata ang unang tutol sa desisyon ko. Mga walang hiya.
"Micaller's right, Madrigal. Parang kailan lang kayo nagkakilala ni Miss Dimaunahan. Mabilis din na naging kayo. At ngayon naman gugulatin mo kami sa balitang engaged na kayo. Nagmamadali ka na bang mag-asawa?" segunda ni Dela Vega. Sinamaan ko rin siya ng tingin bago tinungga ang alak sa kopita.
"Tangina n'yo naman. Bakit ko pa patatagalin, e doon din naman papunta ang relasyon namin? Stop lecturing me with your old school beliefs. Saan n'yo ba napulot 'yang paniniwalang kailangan ilang dekada muna kaming magkarelasyon bago magapakasal?"
"Pero hindi mo pa siya lubos na kilala---"
"Bakit, Micaller? Noong unang beses mo bang pinakasalan ang asawa mo kilalang-kilala mo na siya? Hindi, 'di ba? She even ditched you during your firs wedding day," I rebutted. Kung makapagsalita akala mo naman hindi sila katulad ko. Tss.
"Sabagay," Dela Vega commented. Natahimik naman si Micaller at tila napaisip sa sinabi ko. Mas Malala nga siya, nabaliw nang sobra kay Heaven, na ngayon ay asawa niya na. Hindi niya tuloy napaghandaan ang pinaplano nito sa kanya.
"When I courted Safina I was already seeing myself marrying her. Kaya bakit ko pa patatagalin kung wala namang dahilan para maghintay? We're both consulting adults. Bakit noong nililigawan n'yo pa lang ang mga asawa ninyo hindi n'yo pa ba nakikita ang sarili ninyong pakakasalan siya?" panenermon ko.
Tiningnan ko si Montreal. Tahimik lang siyang nakatingin sa first floor ng bar. Balak na nga naming ipa-renovate ang Zero Degree dahil dumadami ang customers. Kailangan na rin naming magdagdag ng mga empleyado. May sarili na rin itong recording company na pinapamahalaan ni Micaller. Pero balak niya raw ipasa sa akin dahil marami na siyang inaasikaso. Mas gusto niya raw bigyan ng oras ang pamilya niya.
"Siguro busog na busog ka ngayon, 'no?"
My forehead creased when I heard Sid's questions.
"Kinain mo lahat ng sinabi mo noon, e..." he continued. I just raised my middle finger in response.
"So, when are we gonna hear the church bells?" Theo suddenly asked. Binalingan niya lang ako saglit sabay balik ulit ng tingin sa baba. Alam ko medyo abala rin siya kasi kapapanganak lang ng asawa niya.
Actually, isa iyon sa pinag-iisipan ko. Gusto kong paghandaan nang mabuti ang kasal namin ni Safina. I want it to be the grandest.
"In a month, maybe. Depende sa bilis ng paghahanda."
"Aren't you going to meet Safina's family? I mean, wala man lang siyang magulang, atleast her closed relatives. Respeto man lang sa kanilang angkan." Si Dela Vega.
Napaisip ako. Isa 'yan sa mga hindi ko pa naimungkahi kay Safina. Of course, I wanted to meet her closed family. Alam kong matagal nang namayapa ang mga magulang niya at tanging silang magkapatid na lang ang magkasama. Pero kailan man ay hindi ko pa nakikita ang kanyang kapatid. Kahit si Safina ay walang naikuwento tungkol doon.
"Darating naman kami sa puntong 'yan. For now, I want to focus on the preparation of the wedding."
"Suwerte mo, pumayag kaagad si Safina na pakasalan ka," komento ni Micaller. That earned a wide grin from me. I'm so proud of myself because of that. Hindi ko rin akalaing mapapa-oo ko si Safina nang gano'n kabilis. Ibig sabihin ay pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted to You
عاطفيةZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth member of Zero Degree band has lost his faith in love since the world has taught him that it has never been fair. In his case, he had a fair s...