CHAPTER 6

30K 1.2K 143
                                    

CHAPTER 6

"SAFINA, please? Hear me out!"

Napahilamos ako ng mukha nang inirapan niya ako. Damn it! Halos wala akong tulog kagabi sa kaiisip dahil sa natuklasan ko. Kasalanan ko kung bakit galit na galit siya ngayon sa akin. Kung hindi ko sana ibinilin kay Manang Biday na iyon ang sasabihin niya sa tuwing may tumatawag na babae sa condo ay hindi mangyayari ito.

Inagahan kong gumising kanina para mapuntahan siya kaagad pero hindi ko siya naabutan sa tinutuluyan niya. Maaga rin siyang umalis at naabutan ko siya rito sa kanyang flower shop.

"Hindi ako interesado sa kung anuman ang sasabihin mo, Mr. Madrigal kaya makakaalis ka na."

Napatda ako. Mas malamig pa sa yelo ang kanyang boses. Mas gugustuhin ko pa yatang tarayan niya ako kaysa naman iwas siya nang iwas. Pakiramdam ko wala ako halaga sa kanya.

"Look, I just want us to talk. Let me explain myself."

Teka? Bakit ba ako pa ang nanunuyo rito? Eh siya nga itong hindi sumipot sa date namin, e. Tangina, ano ba'ng nangyayari sa akin?

"Labas." Maikli ngunit malamig niyang sabi. Itinuro pa niya ang pinto. Kinilabutan ako. Nakakatakot namang magalit ng babaeng ito. It feels like my eggs will get frozen.

"Hindi ako lalabas hangga't hindi mo ako kinakausap," mariing tugon ko. Hindi ko ipinakita sa kanya na natakot ako nang slight sa awra niya. Parang anytime ay lilipad sa perpektong pagmumukha ko ang takong ng sapatos niya.

Aish! What am I doing?

"Wala tayong dapat pag-usapan, Mr. Madrigal. Marami akong ginagawa kaya makakaalis ka na. Gaya ng sinabi ko, wala akong interes sa kung anuman ang sasabihin mo. Labas kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya," banta niya.

Damn it! Lalo siyang gumaganda sa paningin ko . Namumula ang kanyang pisngi sa inis sa akin. I can't help it.

"Kung ayaw mo akong kausapin, puwes, ipaliwanag mo sa akin kung bakit hindi ka sumipot kahapon. You ditched me."

I wasn't able to hide the bitterness in my voice. Saglit lang siyang natigilan ngunit muling bumalik ang matapang na awra sa kanyang mukha.

"At ano'ng gusto mong palabasin? Na pumapatol ako sa may asawa't anak na?!" she yelled to my face. Damn it! Galit na galit nga siya.

"Wait---!" Mabilis kong iniharang sa mukha ko ang dalawang braso ko nang akma niya akong hahampasin ng bitbit niyang diyaryo.

"Pakinggan mo kasi muna ang paliwanag ko. W-wala akong asawa at anak."

Fck! Hindi ako nakailag nang bigla niya akong hinampas ng diyaryo sa braso. Pero buti na lang at hindi masakit.

"Napakasinungaling mo! Sinasabi ko na nga ba, pinagti-trip-an mo lang ako. Akala mo maniniwala ako sa 'yo! Pare-pareho lang kayong mga lalaki, mga manloloko at babaero! Umalis ka na! alis!"

"Safina naman! Magpapaliwanag nga ako ako, e! Wala akong asawa't anak. Kahit ipa-background check mo pa ako, wala talaga. Awww!"

"Sinungaling ka! Ang kapal ng pagmumukha mong yayain akong mag-date! Ang kapal ng pagmumukha mong pormahan ako gayong pamilyado ka na!"

"Hindi nga ako pamilyado. Single ako, okay? Wala akong asawa at wala akong balak mag-asawa kung hindi rin lang ikaw."

Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Tangina, sinabi ko ba talaga 'yon? Saan galing 'yon? Fck! Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa loob. Lalo na nang mapansin kong biglang namula ang pisngi ni Safina. Yumuko siya para itago ang kanyang mukha.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon