CHAPTER 31

31.4K 1.2K 138
                                    

CHAPTER 31

"You both need a break."

I've been hearing those words countless times from my friends. After all that happened, I couldn't agree more, but I don't know until when my heart can carry the small amount of guilt that rippled through it.

It's been more than a month.

I've never seen his face personally for that long. Maliban sa halos laman siya linggo-linggo ng isang Lifestyle magazine ay hindi na muling bumulaga ni anino niya rito sa opisina at maging sa labas ng condo. Ang huling kita ko pa sa kanya ay noong sinundan niya kami sa Isla Gigantes. He never showed after he walked out.

Ngunit sa halip na matuwa ako ay kabaliktaran ang aking nararamdaman. I'm starting to hate myself because of it. Nagkamali ba ako ng pasya? Hindi ko alam. Ngunit nararamdaman kong ayaw panindigan ng puso ko ang aking naging desisyon. Gulong-gulo pa ang utak ko.

I'm just thankful that my friends have been constantly checking on me. Si Sophie naman ay ipinagpaliban na muna ang pagbabalik niya sa Thailand. She said she wanted to bring me with her once I have decided. Sa totoo lang ay naisip ko na rin munang lumayo ngunit sa tuwing sisimulan kong mag-impake ng gamit ay kusang ibinabalik ko rin ang mga iyon sa tamang lagayan.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong lumayo para makalimutan. Sometimes it only takes a painful face-off to overcome the pain. I feel like I needed to endure this pain until I get over it. Masasanay rin ako.

Napatigil ako sa paghaplos ng kanyang litrato sa magasin. Seems like the writer of the article was a huge fan, with the way she used the adjectives to describe him. Halos sabunutan ko ang aking sarili nang maramdaman ko ang kaunting inggit sa babeng iyon. I used to see him a lot talking to other girls and I did not have any issues during those times but it turned different when he finally noticed my existence. Sa maikling panahon kasi ay nasanay akong sa akin lang ang kanyang atensyon.

Mahirap pala kapag nasanay ka sa isang bagay tapos biglang mawawala. Para kang binigyan ng napakagandang lobo pero agad na pumutok pagkatapos ng limang segundo.

I shook my head and closed the magazine. Itinabi ko iyon nang marinig ko ang tatlong mahinang katok sa pinto ng aking opisina.

"Come in."

Dumungaw sa pinto ang florist namin na si Marsie. I eyed at her questioningly, giving her a signal to come in.

"Ma'am Safina, gusto ho kayong makausap nang personal ng isang walk-in customer natin."

I paused for a few seconds. Madalas kasi ng customers namin ay nakatawag na sa telepono bago pumunta rito.

"May complain ba siya?"

"Wala naman hong sinabi, Ma'am. Mukhang nagustuhan naman ho niya ang arrangement ko. Gusto niya lang daw ho kayong makausap."

Umayos ako ng upo saka sumandal sa upuan.

"Sige, papasukin mo."

"Sige po, Ma'am."

Uminom ako ng tubig mula sa basong kakapatong lang din kanina ni Jessa sa ibabaw ng aking lamesa. Kinuha ko rin iyon at ipinatong sa lamesitang nasa likod. Inihanda ko ang aking sarili na pumasok ang customer. Rinig ko pa ang boses ni Marsie mula sa labas.

"Sir, puwede na ho kayo pumasok sa opisina ni Ma'am."

Pagkatapos ng ilang segundo ay muling bumukas ang pinto pagkatapos ng dalawang katok. I was about to greet the customer but my words froze half-way. Napaawang ako nang mapagsino ang pumasok.

Gad na umikot ang kanyang paningin na tila sinusuri ang buong opisina ko. Bumilis din ang tibok ng aking puso.

"I hope I'm not disturbing your work, Miss Dimaunahan."

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon