CHAPTER 29

31.4K 1.2K 146
                                    

CHAPTER 29

I realized I've grown too much from my heartbreak. I've been impulsive for long because I used to follow my heart; that led me to commit mistakes one after another. I admit, I still love this womanizer; but I know better now. I looked up and pried my tears.

"Ano pa ba ang gusto mong marinig sa akin para tigilan mo na itong ginagawa mo?"

Pinilit kong pakalmahin ang aking boses. Napagtanto ko ring wala rin namang kuwenta kong patuloy ko siyang sisigawan at aawayin, lalo lamang siyang nagiging makulit. Maybe this is the right time to talk to him calmly. Walang patutunguhan kung hindi ako hihinahon.

"Can we atleast eat our food first?" he responded without breaking his stares. Sadness as well as longing was evident in his eyes. Hindi ko alam kung paanong siya pa ngayon ang mukhang nalugi gayong siya naman ang nang-iwan. Baliktad na pala ang mundo.

Kalalapag lang ng mga waitress ng mga pagkain sa lamesa. Most of them were my favorite but I couldn't bring myself to appreciate the food. Siguro dahil na rin sa hindi ko gusto ang taong kasalo ko ngayon.

Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko na parang wala lang kaming pinag-aawayan. Hindi ko maiwasang umirap sa kawalan. I wonder kung nasaan na si Gavin ngayon. Isa pa iyon sa dahilan kaya lalong kumukulo ang dugo ko kay Madrigal.

"Grabe ka, 'no? Nakakabilib ang kakapalan ng mukha mo. Paano mo kaya nagagawang umakto nang ganyan sa kabila ng mga nagawa mo?" mahinahon kong tanong ngunit hindi ko itinago ang pait sa aking boses.

"Babe, please?" His eyes were begging.

"My name is Safina," I emphasized. Tiningnan ko siya nang matalim ngunit yumuko lang siya. Kabaliktaran ng setup and sitwasyon namin. Kung gaano ka-romantic ng ambiance ng restaurant ay gano'n din ka kainiit ng dugo ko sa kanya.

Dinampot ko ang kutsara at tinidor kahit na wala akong ganang kumain. Nahihinayangan din naman ako sa pagkain. Besides, nag-effort na rin ang mga waitress.

"Ano pa ba ang ipinaglalaban mo? Wala na, 'di ba? Ikaw ang sumira sa ating dalawa kaya bakit ka pa sunod nang sunod? I just want a peaceful life, Madrigal."

Pain crossed his eyes again. Napapikit siya't pagkadilat ay nawala na iyon. Hindi pa rin siya nagsisimulang kumain. Wala rin akong balak na yayain siya, basta ako kakain dahil gutom na rin naman ako. Kahit papaano naman bayad na ako dahil kinakausap ko siya sa kabila ng pagkamuhi ko sa kanya.

"Because I love you, Safina. That's why no matter how much you loathe me, I am fighting for this love." He stared at me intently like he's begging for a single drop of water in the middle of the desert.

Halos madurog ang steak ng tinidor ko.

"Ang tamis ng mga salita mo pero ikinalulungkot ko, wala akong nalalasahan. If I were you, I will give up, Madrigal. You're fighting a losing battle dahil kahit ano'ng gawin mo hindi na maaayos ang mga bagay na matagal nang nasira. Mayaman ka naman, 'di ba? Why don't you just spend your wealth with your whores? Doon ka naman magaling, 'di ba?"

His jaw clenched. I smirked when I saw how much he's trying to control his temper to explode. Iyan nga ang gusto kong makita. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo, Madrigal.

"Mahal na mahal kita, Safina. Sana kahit konti man lang ay paniwalaan mo naman ako," mahinang sabi niya. He sounded like he's emotionally exhausted. Ang galing umarte ng tangina.

"Paano naman kita paniniwalaan kung diyan nagsimula ang lahat kaya nasaktan ako? Pinaniwalaan ko lahat ng pambobola mo dati, 'di ba? Kaya tingnan mo ang nangyari. Nasira ang buhay ko. Kaya pasensya na dahil graduate na ako sa katangahan."

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon