CHAPTER 27

29.1K 1.1K 238
                                    



CHAPTER 27

"BECAUSE I thought you're a t—transwoman."

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig mula sa kanya. He just said what? Maging ang tatlong baklang nakasunod sa aking likod ay napasinghap nang sabay-sabay. Tila bumara lahat ng laway ko sa aking lalamunan.

Shock was an understatement. Ni hindi kaagad naproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. Ilang segundo akong napanganga.

"Babe, please forgive me—"

"Don't you dare touch me!" I flinched. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod. Nanubig ang aking mga mata.

"Wow! Sa dinami-rami ng puwedeng maging dahilan, iyan pa talaga ang naisip mong dahilan sa panloloko mo sa 'kin?" I almost yelled at his face. He tried to hold me, but I flinched again.

"What a pathetic reason! You ditched me just because you thought I was a trans?"

Napayuko siya't napaiwas ng tingin.

"I know I was a jerk for not even confronting you before I jumped into conclusions. And I am fcking regretting it everyday." His voice cracked.

Tumingala ako para pakalmahin ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. I suddenly felt Sophie's hand caressing my back.

Sino naman ang hindi magagalit na pagkatapos ng mahigit isang linggong pagmumukmok ko at pag-iyak sa kaiisip ng maaaring dahilan ng pang-iiwan niya sa 'kin ay gano'n lang pala ang maririnig ko mula sa kanya?

"You think I will buy that reason? Are you even for real?" hindi makapaniwalang tanong ko. Umilap ang kanyang mga mata at tila litong-lito.

"I don't know. The pills and the pictures. I was totally confused. Naunahan ako ng takot. Everything happened so fast, Safina. I didn't know what to do that night—"

Marahas kong pinahid ang luhang nakatakas sa aking mata.

"Paano kung sabihin kong totoo nga ang inakala mo? Paano kung sabihin kong trans ako? Magmamakaawa ka pa rin bang balikan kita? Ha?"

Gumaralgal ang aking boses. At parang tinarakan ng punyal ang aking dibdib nang makita ko ang biglang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha. Naging matigas ito ngunit hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Ano? Ha? Sumagot ka, Madrigal!"

Agad akong pinigilan ng tatlo nang akma kong susugurin ng sampal ang walang hiyang si Madrigal. Hindi ko mawari ang naglalaro sa kanyang isip. Yumuko lang siya't muling nagpahid ng kanyang luha.

"Hindi ka makasagot dahil ang babaw ng pagmamahal mo, 'di ba? Hindi ka makasagot dahil hindi mo ako totoong minahal!"

"That's not true, Safina!"

"Then, tell me!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.

"I don't know. You could have told me in the first place."

Natawa ako nang mapakla. I can't believe I'm hearing this from him. Hindi ako makapaniwalang iyon ang isasagot niya.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon