Kabanata 3

16 1 0
                                    

03.Future Boyfriend



Pelican bursted out laughing kahit wala namang nakakatawa. Kanina lang ay nakabusangot ang mukha niya habang hawak niya ang telepono niya, pero ngayon kung makatawa siya ay akala mo ba kinikiliti ang ano niya.


I remained expressionless after I heard that. Ano ba namang klaseng laro yan at bakit ganyan naman? Kulang na lang ay makialam na ang gobyerno dahil sa pang-aabuso ng human rights dito. Hindi ko man gusto iyong imbitasyon, ay ayaw ko rin namang mapahiya ang lalaking ito. Iisipin ko pa lang na magti-trending siya kinabukasan na walang saplot ay halos patayin na ako ng konsenya ko.


"My name is Peli, what's your name?" Pakilala ng kaibigan ko sa estranghero.



"Stan," Sagot nito. "Nice to meet you, Peli."



"Nice to meet you too, Stan." They shook their hands. "This is my friend, Lilium Gaia."


Halos batuhin ko siya nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Inirapan at sinimangutan ko siya ng bukal sa puso dahil nagtagumpay siyang bwisitin ako.


"Lilium Gaia." Hinarap ako ni Stan at nginitian. "It sounds like Ligaya for me." Dugtong niya.


Tawang tawa na naman ang kaibigan ko sa hirit ni Stan. Hindi ko alam kung pati ako matatawa o mas lalong maiinis.


"Hi," Bati nito ulit. He extended his arms to me for a shake hands.


Nginitian ko lamang siya at wala sanang balak abutin ang kamay niya pero kinuha niya ito mismo. My jaw dropped by his moves. Uminit ang buong ulo ko ng maramdaman ko ang lambot ng mga palad niya.


"Stan!" Tawag ni Pelican sakanya. "Pasensya ka na, at hindi ka namin mapauunlakan. Kasi my friend here, she's not used with the crowd." Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Peli.


Stan looks defeated but he's now nodding his head. Jusko. Ipagnonovena ko na lang ang kaluluwa nitong taong 'to. Bakit ba ako nakakaramdam ng guilt. Ano namang paki ko dito. Hay nako.


Umamba nang tatayo si Stan ng biglang nagsalita ulit si Peli.


"But, I can go with you. Since ayaw ko namang maparusahan ka. Di naman namin kakayaning ganun ang mangyari sa'yo. Baka hindi kami makatulog-"


"Peli!" I can't believe on what she's saying. Ano iiwan niya ako dito?


"Talaga?" He's now suppressing his bigger smile.


Sa inis ko ay tumayo na ako. "Fine!" Singhal ko sa kaibigan ko. She's still smiling like there's something funny, and I'm starting to get annoyed. "You can go, mauuna na lang ako sa room. Kunin mo na lang sa reception yung key-"

Between Joy And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon