02.Dare
I'm actually grateful that Peli found me here. Wala kasi akong pinagsabihan kung saan ako pupunta noong umalis ako. I just told my Mother that I need to unwind. Hindi planado ang pag-alis ko at wala akong ideya kung saan ang magiging tungo ko. Hanggang sa mapadpad ako dito at indi ko alam na dito ko pala mahahanap ang kapayapaang gusto ko.
I had to admit that I need Peli's words of wisdom, sometimes. Kahit mas madalas siyang hindi matino kausap ay kahit papaano, nako-comfort niya naman ang sugatan kong puso.
I only bought two pairs of t shirts and shorts, few pairs of underwears and bikinis, when I left home. Kaya naman ng dumating ako dito ay ang una kong ginawa ay bumili ng damit na pwede kong gamitin para sa ilang araw ko pang pananatili dito.
It's already 10PM and we're at sitting at the seaside with a bonfire. Sa di kalayuan ay may mga taong sumasayaw na may hawak na apoy. Maraming tao ang nakapalibot sa mga ito para panoorin ang pagtatanghal nila. Some of them are tourist, and some are locals from here.
We had a bucket of beer while enjoying everything when Peli stood up. Tiningnan ko siya nang may pagtatakang ekpresyon. "Don't you think, this is a bad idea?" She asked irritably. "I do not find this romantic, unless you're a fucking hot guy and we're making out in front of the fucking sea. Seriously, Lia? There's a bar oh. Bakit mo naisipan na dito tayo pumwesto?"
I laugh at her complaints. "It's not funny!" Pahabol niya pa.
"Ano bang problema mo? Kanina naman okay lang sa'yo na dito tayo—"
"Kanina 'yun. Kasi malay ko ba namang di pala ganun convenient ang makipag inuman sa ganitong lugar. Hindi ka ba na iihi?" She sound so pissed.
Lalo akong tumawa sa sinabi niya. Nakaka tatlong bote na siya samantalang, nakakadalawa pa lang ako. May mga tao ring parehas ang ginagawa katulad namin sa di kalayuan. May isang grupo ng mga matatanda, may iilang couples din, at meron naman isang malaking grupo na maiingay nagkakantahan habang nag-iinuman.
Natatawa akong tumayo para harapin ang kaibigan ko. She looks so annoyed and I can't help but tease her more. Halos ibato niya ang cellphone niya sa sobrang inis. Kanina ko pa siya napapansin na medyo iritado siya sa cellphone niya. Parang mayron yata siya katext at nag-aaway sila. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
"I prefer this place, kasi ayoko ng maingay na music, at masyadong maraming tao. Gusto kong ipahinga 'yung utak ko. Malay ko ba naman kasing uhaw na uhaw ka pala at talagang nilaklak mo ng sabay 'yung tatlong bote. Kasalanan ko ba yun?" I asked still laughing. "Tara na samahan na kita,"
"No. Stay here." Pigil niya. "Mabilis lang ako." Saka siya tumakbo.
Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang tumakbo palayo. Inayos ko ang maikling shorts na suot, bago ako umupo ulit. Nilalanghap ko ang simoy ng preskong hangin. Sa totoo lang, sobrang refreshing ng bakasyong ito. Hindi man planado, pero nakapag unwind naman talaga ako.
I checked my phone, and I saw some texts of my mother and other friends. Huminga ako ng malalim ng nadaanan ko ang conversation box namin ni Jared. Hindi na ulit siya nagparamdam saakin, pagkatapos ng huling pag uusap namin. Inaamin ko naman na umasa akong hahabulin niya ako matapos kong makipaghiwalay. Pero umasa lang talaga ako sa wala. I actually gave him a week to approach me but still, I waited for nothing. Siguro ito na talaga 'yun. Hanggang dito na lang talaga kami.
I was about to turn off my phone when it rang. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng kapatid ko bilang caller. I swipe to answer it.
"Ate!" Halos ilayo ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.

BINABASA MO ANG
Between Joy And Pain
General FictionI love your feet only because they walked upon the earth and upon the wind and upon the waters, until they found me. - Pablo Neruda