Kabanata 7

8 2 0
                                    

07.Family



I'm combing my wet hair, while trying to sort all of my thoughts. Inaalala ko ang mga kailangan ko pang dalhin sa pag-alis ko. Lalo na 'yung mga importanteng bagay na hindi ko dapat makaligtaan.



Kakatapos ko lang maligo, at nakahanda na rin sa pagtulog. I stared at my three luggages stored in the corner of my room. Tapos na akong mag-impake nung isang araw pa lang. Pero hindi ko parin maiwasang hindi mag-alala dahil baka may iba pa akong hindi nailagay sa mga gamit ko.


I checked my phone to see if I have unread messages and misscalls. Pero bukod sa pangungulit ni Jared at ilang misscall ni Peli ay wala nang iba. I was about to turn my phone off nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Before I could reach my door, ay bumungad na saakin ang mukha ang Mama ko.


She's smiling at me. Mukhang kakatapos niya lang rin maligo at nakahanda na rin siya sa pagtulog niya.


"Bakit po?" I asked out of curiosity.


"Are you really sure?" She asked while looking at may luggage.

"Opo," I answered smiling. "Uuwi naman po ako dito every weekend. Matitiis ko ba naman na walang kasama ang mahal na reyna?" Biro ko.



Huminga siya ng malalim, at saka kinuha ang suklay na hawak ko. Dahan-dahan niyang sinuklay ang maikli kong buhok. Hinawakan niya ito ng sobrang rahan. "Alam mo, hindi ko alam kung mas lalo ba akong mag-aalala sayo ngayon."

Halos matawa ako sa sinabi niya. "Ma, okay na po ako." Paliwanag ko.


"I haven't seen you for weeks, tapos magugulat na lang ako na uuwi kang halos kalbuhin mo na ang sarili mo. Alam mo bang muntik na akong atakehin sa puso?" She said exaggeratedly.


My mother believes that a woman only calls herself a beauty if she handles her hair well. Maalaga ang Mama ko sa sarili niya, at inaalagaan niya rin ako sa lubos na kanyang makakaya. She's always been possessive when it comes to my hair. Katulad niya ay namana ko rin ang kintab at sigla ng buhok niya. Kaya naman ay sabay namin itong pinahaba noon. May mga pagkakataon na pinapa-trim din namin ito ng sabay.



"Ma, it will always grow back like before." Dahilan ko. "Mainit din po kasi, kaya pinagupitan ko."


"Oh gosh! Wag mo nang banggitin saakin ang pangyayaring yan, dahil hindi ko kayang pakinggan." Putol niya sa sasabihin ko.


Nanatili ang atensyon niya sa pag suklay ng buhok ko. "Don't you think it's too soon for you to leave, Lia?" She asked morbidly.


Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. "I'm leaving for work, Ma. What's the fuss about it? Saka di ba napag-usapan na natin 'to?"


"Well, kababalik mo lang galing sa kung saan tapos ngayon aalis ka ulit? Wala pang isang linggo, Lia. Iiwan mo ulit ako?" She sighed heavily.

Between Joy And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon