Kabanata 9

2 2 0
                                    

09-Bastard



I pushed him instantly when I felt his lips on me. Sobrang bilis nang pangyayari, at hindi ko maintindihan kong bakit niya ginawa iyon. Aba! Nakakadalawa na siya saakin, ah! Anong tingin niya sa labi ko, easy to get? I fight the urge to slap him. Because I don't tolerate violence. Well, siguro depende sa sitwasyon. Pero ngayon, ay napigilan ko pa naman ang sarili ko. Inisip ko na lang ang mga naitulong niya saakin sa araw na ito. Kaya siguro kwits na kami.


"Ano bang problema mo?!" I said gawking at him.


My tears automatically stopped because of my anger. I got nervous earlier but his expression remained stoic. Ni-hindi man lang siya natinag nang itulak ko siya.


"I don't know how to make you feel better—"


"And how would you think that kissing me is the answer?" Napipikon kong tanong. "Stop playing with me, Drystan!"


"I am not." He said softly.


Medyo nahabag naman ako sa pagtaas ko ng boses sa kanya, dahil sa lumanay ng pagsasalita niya. Pero hindi pa rin ako natinag sa panghahalik na ginawa niya.


"I understand, naaawa ka sa sitwasyon ko. But I can assure you, I'm fine. Wala kang dapat ikabahala. Kayang kaya ko ang sarili ko. At hindi ko kailangan ng awa. Sayo man o kahit kanino! Okay?" Madiin kong pahayag.


Umayos siya nang upo sa tabi ko, at marahang hinawakan ang mga kamay ko. The sadness is evident on his eyes. Hindi ko matukoy kung para ba iyon saakin o hindi. Masyado siyang seryoso na akala ko'y ibang tao na ang kausap ko.


"Ano bang problema?" I asked again.


He just shook his head while caressing my hand continuously. I heaved a sigh. Thinking of words how to comfort him. 'Yung galit na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho.


"Okay. Listen, isang beses ko lang 'to sasabihin. Kaya makinig kang mabuti. Hindi madali ang mabuhay. Siguro hindi mo pa 'yun nararanasan kasi naging mabait sa'yo ang mundo, pero hindi lahat ng tao katulad mo." Hindi parin siya kumikibo. "It's really hard to accept things you barely understand. I learned it at the very young age, Stan. Ang pinakapangarap ko noon, ay ang mabuo ang pamilya namin. Kahit isang araw lang, masayang masaya na ako. But it didn't happened. Instead, I was notified for having two siblings in other woman, months after they got separated. Doon sa babaeng, laging pinag-aawayan noon ng parents ko." Natatawa ako habang inaalala ko ang mga panahong iyon.


"And that was the time when I gave up from hoping onto something na alam kong wala ng pag-asa. Matagal ko nang alam na hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo 'yung bagay na gusto mo. Kasi hindi gano'n kadali ang lahat. Kaya wa'g mo akong alalahanin." I said smiling.


Nag-angat siya ng tingin saakin. Mas malungkot ang mga mata niya ngayon. Nangunot ang mga noo ko dahil sa ekpresyon niya. Inayos niya ang mga buhok na halos tumakip sa mukha ko, at inipit niya ito sa likod ng tenga ko, bago siya huminga ng malalim.

Between Joy And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon