10-Chance
I stared at Jared who's now in front of me, holding a bouquet of red roses. Seryoso ang mga matang nakatuon saakin. Nakaputing long sleeve siya na nakatupi hanggang siko, medyo loose na ang neck tie nya at halatang kagagaling lang sa trabaho. Pinagtitinginan siya ng ibang empleyado sa lobby, at ang mga babae ay nagbubulungan na akala mo ba'y hindi sila naririnig.
"What are you doing here?" Pelican asked him.
Hindi niya inalis ang tingin niya saakin at gano'n din ako sakanya kahit na naghihintay ako sa sagot niya. I was about to asked the same question, and it's a good thing that Peli asked him first. When Kesley told me that Jared is here, we immediately went in the lobby. Kahit na sinabi ng kapatid ko na sa parking na ako dumiretso ay hindi ko siya pinakinggan. Maybe I was curious kung bakit siya nandito. Kahit na obvious naman na gusto niya na naman akong utuin.
He handed me the flowers he's holding and I could almost hear gasps from people who's watching. He's incredibly handsome with his physique and the way how he move. Kung hindi lang siya manloloko, ay baka nahulog na naman ulit ako sa mga seryosong tingin niya. Katulad noon.
"Lia," He utter my name softly.
"We're busy, Jared." Peli again.
Mabilis akong hinila ng kaibigan ko papunta sa elevator para makaalis na ng tuluyan. Pero nakabuntot parin ang pinsan niya saamin. Napapalingon ang ibang nakakasalubong namin sa nangyayari.
"Pelican, please. I need to talk to her." He said pleading.
Tiningnan ako ni Peli nang may pagbabanta. I shrugged my shoulders. "She doesn't want to talk to you," Patuloy niya.
"Lia, let's talk please." Hinawakan niya ang mga kamay ko.
Nakarating na kami sa parking lot, at doon naghihintay si Mang Rudy sa tapat ng isang Chevrolet na itim. Mabilis siyang lumapit saakin para iabot ang susi. Hinarap ko muna sandali si Manong at hinayaan ang magpinsan na ngayon ay nag-aaway na. Peli is furious, and she wants him gone. But Jared wants to talk to me.
"Ma'am, utos po kasi sakin ngayon ipagdrive daw kita hanggang sa apartment nyo." Mang Rudy said.
"Okay lang po ako, Manong. Kaya ko naman. Baka kasi gabihin ako ngayon, kasama ko ang mga kaibigan ko. Di ko alam kung saan kami makakarating," I said smiling.
Alam kong hindi na kami matutuloy ngayon ni Pelican sa plano niya kanina lalo na't nandito si Jared ngayon. Ayaw ko rin naman na doon kami sa tinutuluyan ko, dahil ayaw ko nang ma-hassle pa.
"Okay lang, Ma'am. Kahit anong oras kayo makauwi ako parin po ang driver nyo ngayon. 'Yun po talaga kasi ang utos saakin. Baka po masisante ako, mahirap naman po 'yun." Pilit niya.
I somehow feel guilty. Hindi ko kayang isipin na may mawawalan ng hanap buhay dahil lang sa kaartehan ko. Tumango na lamang ako sakanya bilang pagsuko. Ngumiti naman siya ng napakalaki, nang nagtagumpay siya sa argumento naming dalawa.

BINABASA MO ANG
Between Joy And Pain
Художественная прозаI love your feet only because they walked upon the earth and upon the wind and upon the waters, until they found me. - Pablo Neruda