Kabanata 8

10 2 0
                                    

08-Pity



The mood became more bubbly, and I couldn't contain the same feeling I had earlier. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ayaw ko namang mang-agaw ng eksena kapag tinanong ko kung anong ginagawa ni Drystan dito. Dahil ayaw ko rin namang tanungin nila kung paano ko ito nakilala.


"Dad?" Tawag ni Cassidy kay Daddy na ngayon ay kausap ang mga bagong dating.


"Cassidy, stop asking questions. Eat your lunch first. Di ba may pasok ka pa mamayang 1:30?" Tita Cassandra said.


My sister pouted but she still insist of having talk with Daddy. "I just wanna ask, kung dito na ba uuwi si Ate Lia—"


"Yes," Daddy answered quickly.


Umiling ako at parehong tiningnan ang ekspresyon ng mga taong kasama ko sa hapag kainan. Tita doesn't look good when my Father announce something ridiculous. Kesley just shrugged his shoulders, while Cassidy clapped her hands cheerfully. Drystan remained silent while trying to weight the situation.


"Actually, Dad, Kesley and I talked about it. Pumayag po ako kasi sabi niya may condo naman daw siya at doon muna ako pansamantala." Mabilis kong paliwanag.


Pinandilatan ko ang kapatid kong patay malisya lang na kumakain. Parang walang pakialam sa nangyayari. I secretly kicked his foot under the table, when I noticed that his expression is different.


"Why?" Daddy asked. "Bakit pa doon kung pwede naman dito? Naayos na ang kwartong gagamitin mo kaya—"


Naibaba ko ang kubyertos ko dahil sa pagpupumilit niya. Bakit ba hindi niya ma-gets? Hindi purket gusto niya, eh, pwede na! Hindi niya ba nakikitang, ayaw ng asawa niya? Halos irapan ko siya sa iritasyon ko pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.


"Dad, pumayag lang po ako dahil sa sinabi ni Kesley. Wala po sa plano ko ang dito manirahan—"


"Ate!" Kesley and Cassidy's voice said in unison.


My father and his wife didn't say anything. Ayokong magkaroon ng problema ang pamilya niya dahil saakin. I don't want to be the reason of their problems. Not right now and in the near future as well.


"You're my sister, kaya pwede ka dito." Cassidy said.


Huminga ako ng malalim at umiling nang paulit-ulit. Wala talaga akong balak na manirahan dito. Iisipin ko pa lang ay sumasakit na ang batok ko. Marahan na hinawakan ni Cassidy ang braso ko pero nginitian ko lang siya.


"Kesley," Si Daddy.


"Ate, I'm sorry. Under renovation kasi yung condo ko ngayon. Hindi ko nasabi sa'yo kasi ang balak ko sana ay kausapin ka ng personal para dito ka na lang muna." Paliwanag niya.


I gritted my teeth because of annoyance. Pansin ko naman ang titig ng katabi niya saakin. He's watching me like he wants to know what's running on my mind. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o sisimangutan.

Between Joy And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon