Kabanata 6

18 2 0
                                    

06.Promise

I heard Pelican's voice calling my name earlier. Hindi ako nag-abalang lingunin pa siya, dahil gusto ko nang umalis sa lugar na 'yun.


Hindi ko kayang harapin si Jared. Kung siya ay naaatim niyang makita ako pagtapos nang nangyari saamin na para bang wala siyang ginawang kasalanan, ako hindi ko kayang makita siya. Kahit ang presensya niya ay di ko kayang tagalan. Hindi ako kasing lakas niya. Hindi ko kayang mag kunwari na hindi ako nasasaktan.


Dumiretso ako sa likod ng hotel, kung nasaan ang swimming pool area. Umupo ako at saka ko hinayaang lumubog ang mga paa ko sa tubig. Hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin. Isa pa 'tong Drystan na 'to! Hindi purket alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko eh, aasarin niya na ako sa pamamagitan nang pagkanta niya.


Wala pang sampung minuto, ay may naramdaman na ako sa likuran ko. Nilingon ko ito, at nakita ko si Drystan na nakangiti habang papalapit saakin. Speaking of the devil! Ang sarap burahin ng ngiting iyon sa mukha niya. I want to show him how annoyed I am. Hindi siya natinag sa simangot na iginawad ko, bagkus ay mas lumapit pa siya lalo saakin. May dala siyang kung ano, at hindi ko iyon pinansin.


"Hindi mo ininom 'yung mga binigay ko," Panimula niya.


Umupo siya sa tabi ko, at katulad ko'y nakalubog na rin ang mga paa niya sa tubig sa pool. Tumikhim niya ng ilang ulit, pero hindi ko pa rin siya nililingon. I can sense that he's trying to caught my attention, but I'm too pissed to talk to him.


Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, kung saan ang may namamagang braso ko. Halos mapatalon ako sa gulat, pero nanatili siyang seryoso. May ipinatong siyang malamig na bagay doon sa parteng namumula.


"Galit ka ba?" He asked.


Halos irapan ko siya dahil sa tanong niya. Pero dahil mas gusto ko syang wag pansinin ay hindi na ako sumagot.


"Hindi ko alam kung anong dahilan ng galit mo—"


"I'm not mad," Putol ko sa sasabihin niya. "Gusto ko lang mapag-isa. Can you just leave me alone?"


He sighed heavily. I can sense that he's in trouble, but I'm not in the mood to dig about how he's feeling right now. I am more concerned of what I'm feeling.


"You're still not over him," He stated.


"I don't remember telling you that I am over him already." I fired back at him.


"Then why are you making it complicated? If you still love him, then get fucking back together!" Halos mapaatras ako nang tumaas ang tono ng boses niya.


Halos matawa ako sa sinabi niya. Young people are the naive ones. "You're still young. And I don't expect you to understand what was really happening—"


"And you're old, that's why you totally understand everything? Yan ba ang nais mong iparating?" He snapped out. "You're just four years older than me, Lia. Stop using our age to prove a point because obviously the way you think and act of things, looks like you're way young than me."

Between Joy And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon