CHAPTER 12

67 34 23
                                        

This work of fiction are based on a Wide
imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.

Some Typos and Grammatical errors ahead.

Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!

----------------------------------------------------------------

(Levi' POV)

Gusto ko ng makawala!

Nahihirapan na ako!

Gusto ko ng tumawid sa liwanag pero hindi pa pwede.

Kailangan kong tulungan si Gregory at si Mama gayundin ang iba pang pwedeng masaktan ni Sevireign or worst mapatay.

Kailangan kong gumawa ng paraan para matakasan ang impyernong ito.

Hindi ko hahayaang matupad ang mga pinplano nilang dalawa.

Kahit isa akong kaluluwa lalabanan ko sila.

Lalaban ako!

(Audrey's POV)

Maaga akong nagising dahil sa pagkakasabik kong makita si Levi.

Ngayon ang araw na magkikita kami.

Sa wakas ay magsasama na kami ulit sa iisang bahay.

"Are you ready?"

Tanong sa akin ni Lorenzo.

Tumango lamang ako at ngumiti.

Habang patuloy ang pagmamaneho niya ay ganoon din ang pagpapatuloy ng pag-uusap namin.

"Excited ka talagang makita si Levi?"

tanong nito habang pinipihit ang manebela ng kotse.

"Oo naman. Siya nalang ang meron ako ngayon. Ang tagal nang hindi kami nagkikita gusto ko na siyang yakapin."

"Pero pwede bang daanan muna natin ang libingan nila Esmael at Sevi?"

saad ko rito.

"Okay lang naman."

Tipid niyang sagot.

"Madalas nagpapakita sakin si Sevi. Siguro dahil hindi ko sila nadadalaw nitong mga nakaraang araw."

ani ko.

"Pinapakitaan ka ng anak mo?"

pagtatakang tanong nito.

"Oo napapadalas noong nasa mental ako. Parang may gusto siyang sabihin sa akin."

saad ko naman.

"Paano kung konektado ang papakita niya sa'yo kay Hadeus?"

THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon