This work of fiction are based on a Wide
imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.Some Typos and Grammatical errors ahead.
Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!
----------------------------------------------------------------
(Lorenzo's POV)
"Heto, inom ka muna ng tubig."
kasabay ng pag-abot ko sa kanya ng isang baso ng tubig.
"Mag-isa ka lang ba rito?"
usisa nito.
"Hindi naman. May mga kasama ako. Dalawa lang. Isang tagaluto at isang tagalinis."
sagot ko.
"E asan sila ngayon?"
tanong nitong muli.
"Baka nasa kwarto nila nagpapahinga. Hindi nila alam na uuwi ako ngayon e."
ani ko.
"Parang nakakalungkot ang buhay mo ano? Mag-isa ka lang."
saad nito.
"Hindi naman sanay na ako!"
sagot ko naman.
"Ang lawak at laki ng bahay mo."
Tumayo ito kasabay ng pag-ikot ng mata sa buong silid ng bahay.
"Ayokong magbahay ng ganito kalaki kapag mag-isa nalang ako."
saad nito habang nagpipigil ng luha.
"Hindi ka mag-iisa Audrey, sasamahan kitang mahanap si Levi."
Ani ko upang mapalubag man lang ang loob niya.
"Maraming Salamat Lorenzo. Akala ko mag-isa nalang akong lalabanan si Hadeus."
saad nito.
Mahirap kalaban ang demonyo.
Kailangan mapaghandaan namin ito.
Ang tanging maitutulong ko lang sa ngayon ay ang mapalubag ang loob ni Audrey.
"Gusto kong makita ang anak ko Lorenzo."
Saad nito.
Alam kong sasabihin nya ito pero hindi pa maari kaylangan muna niyang magpahinga dito sa bahay.
"Sasamahan kitang mapuntahan siya, pero hindi pa sa ngayon okay?"
saad ko naman.
"Pero hindi na siya ligtas, kahit anong oras pwede siyang kunin ng demonyong si Hadeus."
BINABASA MO ANG
THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]
Misteri / Thriller"Everyone of us has a bad side or an evil side. You'll never know kung kailan ito lalabas. Minsan kapag sobrang Galit o kadalasan kapag naiisip natin ang mga ala-alang nagpapabigat ng ating damdamin. Ang mga Ala-ala kung saan nag-umpisa ang pagpapam...