CHAPTER 1

210 108 15
                                    

This work of Fiction are based on a wide imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.

Some Typos and Grammatical errors ahead.

Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!

-----------------------------------------------------------------

"AUDREY'S GIVING BIRTH"

"Aray! Woah! ang sakit na doc." paghuhumiyaw ni Audrey sa loob ng kwarto kung saan siya manganganak.

"Huminga ka misis, umiri ka lang. Maiiraos mo din ito." ani ng doktor.

"Asan ba kasi ang asawa mo?" usisa pa nito.

Hindi na makasagot pa si Audrey sa mga tanong ng doktor dahil sa labis na sakit nitong nararamdaman.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si  Esmael, ang asawa ni Audrey.

"Doc, ako po ang asawa ni Audrey Sandoval. Kamusta po siya?" usisa nito habang naghahabol sa kanyang hininga.

"Sa ngayon ay maayos na ang lagay niya. Ganun din ang mga baby." sambit nito.

"Ma-mg-a? Baby?" Mautal-utal nitong tugon.

"Opo Mr, Kambal ang anak ninyo ni Mrs. Sandoval." nakangiting tugon naman ng Doctor.

Agad na nagmadali si Esmael sa kwarto kung saan naroon ang mag-iina niya.

Hindi nito napigilan ang likido nito sa mga mata at bahagyang tumulo ito sa kanyang mga pisngi.

Tinungo niya si Audrey.

"Mahal, kambal ang anak natin." Sambit ni Audrey sa kanya.

Bakas sa mga mata at labi ni Esmael ang pananabik sa mga bata.

Napakarami nilang sinakripisyo para lang magka-anak kaya ganoon na lamang ang kanilang kasiyahan.

"Matagal kong inantay ito Mahal, ngayon ito na may anak na tayo at kambal pa."

sambit nito na mababakas ang pananabik.

"Levireighn at Sevireighn ang ipapangalan natin sa kanila."

Dugtong pa nito.

Bahagyang napahinto sila sa pag-uusap ng biglang nag-iba ang paghinga ng isa sa mga kambal.

Animoy naghahabol ito ng hininga.

"Doc!"

"Doc, Tulong!"

Sigaw ng mag-asawa.

Ang kasiyahang nababakas sa mag-asawa ay napalitan ng takot at pagkabahala.

THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon