This work of Fiction are based on a wide imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.
Some Typos and Grammatical errors ahead.
Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!
----------------------------------------------------------------
(Levi's POV)
Halos hindi na ako nakabalik sa pagtulog ko dahil sa nangyari kagabi.
Agad akong bumaba sa sala upang buksan ang T.V
[BREAKING NEWS]
Isang katawang walang buhay ang natagpuan sa isang bahay sa may Sikatuna Village.
Ayon sa kwento ng nakakita, wala na umano itong laman loob at binalatan din ang biktima.
Ayon sa imbistigasyon hinihinalang pinagsasaksak muna ito ng suspek bago ito binalatan at tinanggalan ng lamang loob.
kinilalang si LEANDRO GARCIANO ang biktima.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapaunod ang balita.
Pamilyar sa akin ang lalaking iyon.
"Leandro Garciano!" saad ko sa sarili.
Hindi ako maaring magkamali siya yung nasa panaginip ko kagabi.
"Ako ba ang pumatay sa kanya?" Muli kong bulong sa sarili.
"Oo ikaw! Demonyo ka, Mamamatay tao ka."
Boses ni Sevi kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
"Pinatay mo siya!"
"Hindi ako mamamatay tao!"
"Demonyo ka! Demonyo!
"Hindi! Hindi yan totoo!"
Agad akong bumalik sa ulirat matapos ang pangyayari.
Hindi ko mawari subalit parang totoo.
Agad akong nag-ayos ng sarili pagkatapos ay sumakay ng dyep papasok sa school.
Bumaba ako sa sinasakyan kang dyep.
Hindi pa man ako nakakapasok sa bukana ng school nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Pst Levi!"
Inikot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko ang isang lalaki.
Naka cap siyang black at naka hoddie jacket.
Napaka weirdo nyang tingnan.
Tumalikod ito sabay naglakad papalayo.
Out of curiousity, sinundan ko siya.
"Hoy ! sino ka bakit mo ako kilala?"
BINABASA MO ANG
THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]
Mystery / Thriller"Everyone of us has a bad side or an evil side. You'll never know kung kailan ito lalabas. Minsan kapag sobrang Galit o kadalasan kapag naiisip natin ang mga ala-alang nagpapabigat ng ating damdamin. Ang mga Ala-ala kung saan nag-umpisa ang pagpapam...