CHAPTER 5

116 70 8
                                    

This work of Fiction are based on a wide imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.

Some Typos and Grammatical errors ahead.

Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!

----------------------------------------------------------------

1 WEEK AFTER

(Audrey's POV)

Hindi ko mawari ang sinapit ng isa sa kambal ko.

Ano ba ang nangyayari.

Hindi ko alam kung pinaparusahan na ba ako ng Diyos dahil sa kasalanan ko.

Ako nalang sana ang parusahan at huwag na ang mga bata.

Si Levi, Malayo ang loob sa akin dahil sa pagseselos kay Sevi.

Si Sevi naman may kondesyon tapos ito pa ang sinapit.

"Kung ito man po ang hudyat sa lahat ng nagawa ko noon, ako nalang ang pagbayarin nyo! Huwag ang mga anak ko." mga salitang binitawan ko habang nakaharap sa altar ng aming kwarto ni Esmael.

Narinig ko ang ragitnit ng pinto ng kwarto namin. Senyales na binuksan ito ni Esmael.

"Oh bakit hindi ka pa nagpapahinga mahal?" tanong nito habang hinuhubad ang suot na polo.

"May iniisip lang ako mael." tipid kong sagot.

"Tungkol na naman ba sa kambal? Okay na si Sevi. Si Levi naman ayus na din. Magkakasundo din yan. Huwag mo nalang isiping masyado ang pangbabaliwala ni Levi, Alam mo naman na natra-" putol niyang pagpapaliwanag dahil sa biglaan kong pagsabat.

"Oo alam ko naman yun e. Pero hindi iyon ang iniisip ko mael." saad ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.

Ito na kaya ang tamang panahon para malaman niya ang katotohanan.

Pero natatakot ako. Natatakot akong baka iwanan niya nalang kami ng mga kambal kapag nalaman niyang hindi niya ito mga anak.

Labis-labis ang pagmamahal ni Esmael sa mga kambal kaya ganoon na lamang katagal na naitago ko sa kanya ang Lahat Lahat!

Nararamdaman kong nalalapit na ang sinasabi ni Hadeus na pagbabalik niya.

Kailangan ko sa laban na ito ang asawa ko.

Huminga ako ng malalim at saka pinakawalan din ito ng bahagya.

"May gusto sana akong sabihin sayo." diretyahang saad ko.

"Pwede bang bukas nalang yang mga iniisip mo Audrey." tugon naman nito kasabay ng pag upo sa kama.

Nababakas ko ang pagod na nararamdaman niya dahil sa trabaho.

Subalit kung hindi ko sasabihin ngayon kailan pa? Kapag huli na ang lahat?

Humarap ako sa salamin at tsaka inumpisahan ang pagsuklay sa buhok ko.

Bigla akong napatigil sa pagsusuklay ng makita kong nakatitig sa akin si Esmael.

THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon