This work of fiction are based on a Wide
imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.
Some Typos and Grammatical errors ahead.
Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!
----------------------------------------------------------------
(Sevi's POV)
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon at binabaybay ang mahabang kalsada.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi ako maaaring magpakita sa kahit na sino sa kanila.
Kaylangan kong maka-isip ng paraan or ng plano para tapusin na silang lahat.
"Hadeus!"
Tawag mo sa pangalan niya.
Hindi ko alam kung bakit subalit nanghihina ako.
Dahil siguro sa epekto ng pagbabalik ko sa kawatan ko.
Patuloy ako sa pagtawag sa pangalan niya subalit hindi siya nagpapakita.
"Uy tingnan ninyo may sexy oh."
Dinig kong saad ng isang tambay sa mga kasamahan niya habang nag iinuman.
"Oo nga ano!"
Pagsang-ayon naman ng mga kasama nito.
"Oy miss naliligaw ka ba?"
Tanong ng isa sa kanila kasabay ng pagtayo sa kinauupuan.
Nagkibit balikat lamang ako at patuloy sa paglalakad.
"Hoy! parang hindi ka namin tinatanong ah!"
Pagtaas ng boses nito kasabay ng paghawak sa kanang bahagi ng braso ko.
"Bitawan mo ako!"
Saad ko sa garalgal na boses.
"Aba, bitawan daw! Iyan ang gusto ko palaban"
Sambit ulit nito kasabay ng malakas na halakhakan.
Agad nag balik sa ala-ala ko ang nangyari sa akin noon.
"Ang sabi ko bitawan mo ko!"
Ipinihit ko ang kamay nito hanggang sa mabali.
Halos mangiyak-ngiyak ito sa kakasigaw.
Ganun na lamang ang takot ng mga kainuman nito kaya naman tumakbo ito papalayo.
Naiwang mag-isa ang lalaki. Hinawakan ko siya sa leeg pagkatapos ay inangat ng walang kahirap hirap hanggang sa mapatiran siya ng hininga.
Ang kanina lamang lalamya lamya kong katawan ay nagkalakas na ulit.
Binitawan ko ang lalaki at iniwan itong nakabulagta sa daan na parang walang nangyari.
Naghahanap ako ng matutuluyan kahit kubo or what basta makapagtago lang ako sa kanila.
Alam na nila lahat na hindi ako si Levi.
Nasira na lahat ng plano ko. But since sinira nila I'll show them who really Sevi is.
Naisip kong kontakin si Brandon.
Siya lang naman ang malalapitan ko ngayon.
Alam kong hindi niya ako mahihindian lalo na sa kalagayan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]
Mystery / Thriller"Everyone of us has a bad side or an evil side. You'll never know kung kailan ito lalabas. Minsan kapag sobrang Galit o kadalasan kapag naiisip natin ang mga ala-alang nagpapabigat ng ating damdamin. Ang mga Ala-ala kung saan nag-umpisa ang pagpapam...
![THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/217182599-64-k270717.jpg)