Kabanata 1

127K 4.6K 1.4K
                                    

For the better



Mariin akong napapikit at dali-daling itinakip ang mga braso sa bandang ulo upang proteksyonan ang sarili.

"Papa, stop it!" dinig kong sigaw ng kararating lang na si Kuya Zeno na agad humarang at yumakap sa akin. I immediately looked at him and I somehow felt relieved. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kakampi. Tila may dumating na superhero.

My eyes started to water but I stopped them from streaming. Hindi ako makapaniwalang hindi pa rin nauubos ang mga luhang ito.

"Sinasabi ko sa 'yo, Zeno, tumabi ka r'yan kung ayaw mong sa 'yo tumama itong bote na 'to, ha!" sigaw ni Papa. Pulang-pula ang mukha n'ya hanggang leeg. His blood shot eyes were sending me death glares and I could feel from here how much he hates me.

"Papa..." mahinang sabi ko bago tumakas ang isang hikbi.

"Hayup ka! Sabi nang 'wag mo kong matawag-tawag na Papa! Hindi kita anak! Inutil!" galit na galit na litanya niya bago padarag na inilaglag lahat ng nasa lamesa sa harap niya.

Nanginig ako sa takot. Naramdaman ko ang mariin na hawak ni Kuya sa braso ko na tila sinasabing hindi niya 'ko pababayaan. "Lasing ka lang, 'Pa, matulog ka na lang muna plea—"

"Hindi ako lasing! Ang tigas ng kokote niyang batang 'yan!" matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. "Hindi ba't sinabihan na kitang ayaw kong nakikita 'yang pagmumukha mo! Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko 'yang kulay abo mong mga mata! Ni hibla ng buhok mo, nagpapainit na ng dugo ko! Ba't ka lumabas ng kuwarto mo, ha?! Punyeta ka talaga eh,'no!" sigaw niya at hinagis sa banda namin ang bote ng alak.

Bahagya akong napasigaw sa tunog ng tumamang bote sa likod ni Kuya. Kitang kita ko ang pagngiwi niya sa sakit na naramdaman. Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko.

"So-sorry po... Hindi-di n-na po mauulit. P-Papa..." Nagbato pa ulit siya ng gamit at malakas itong tumama sa dingding.

"Wala kang kuwenta! Manang-mana ka sa nanay mong malandi! Nandidiri ako sa 'yong animal ka! Sinira mo ang buhay namin! Konti na lang, baka mapatay na kita!" bulyaw niya habang pagewang-gewang na lumalapit sa 'min at halatang lasing na lasing na.

Nanlaki ang mga mata ni Kuya sa lumabas sa bibig ni Papa.

"Tama na 'yan, 'Pa!" mariing sambit nito at bago pa man tuluyang makalapit sa amin ay agad n'ya na itong itinulak. Malakas at bakas ang puwersa.

Napahiga sa sahig si Papa. Bagsak na ang talukap ng mga mata. Marahan at kalmante ang paghinga.Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig.

"Kuya, sorry, Kuya. Nagutom—" Halos hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa kahihikbi. "Nagutom lang talaga 'ko, Kuya. Hindi ko na kasi matiis, Kuya, sorry po," iyak ko.

"Sshh. Wala kang kasalanan, Nari." Lumuhod siya sa harap ko para matapatan ako. "Sorry, na-late ng uwi si Kuya. May biglaan kaming groupwork, hindi ako nakatakas. Sorry, bunso," alo niya sa 'kin at niyakap nang mahigpit. Mas lalo lang akong naiyak.

Panay ang pag-alo sa 'kin ni Kuya hanggang unti-unti akong tumahan. Hirap na hirap pa 'kong tuldukan ang mga tumatakas na hikbi sa bibig no'ng una ngunit nahinto rin ito kalaunan. Nang mapansin ang pagkalma ko ay inaya niya'ko sa hapag. Tulala pa ako habang ipinaghahanda niya ng makakain.

Nang magsimula kaming kumain ay batid kong pinapagaan niya pa ang loob ko. Hindi siya nauubusan ng kuwento. 'Yung usual na kuwento niya sa kung ano ang mga kakaibang nangyari sa araw niya. With Kuya Zeno by my side, I feel like I'm having a glimpse of what it feels like to be outside. I can say that he's really the one who took care of me since I was little.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon