Kabanata 26

62.3K 2.5K 333
                                    

Compare



"Tanga-tanga ka talaga," Rafa muttered while stuffing her mouth with pizza.

"I know," I said in a small voice.

I texted her to come over when I got home. Nakatambay kami ngayon sa living room ng condo ko. Katatapos ko lang ikuwento sa kanya ang nangyari kabilang na ang biglaang desisyon ko kanina.

"Ang dami mo na ngang trabaho, dinagdagan mo pa. Pinapagod mo lang ang sarili mo," naiiling na sabi niya.

"Ayos lang naman. Gusto ko rin talagang bumawi sa The Lodge."

"Tsk. At isa pa, ano ba'ng inaasahan mo, na biglang kakausapin ka na lang nang casual ni Colton?" She looked at me sarcastically. "Nari, maraming nangyari sa mga buhay n'yo sa loob ng pitong taon. Napakarami na ring nagbago. Don't expect that the two of you can easily be in good terms after everything."

I sighed.

I told her to sleepover at pumayag naman siya. We watched a movie in my room. Hindi pa tapos ang pinanonood ay nakatulog na siya. Natawa naman ako at tinanggal ang salamin niya.

Rafa is beautiful. I've seen her in her most bare face for a couple of times already and she really is pretty. Hindi lang siya mahilig mag-ayos. Inasikaso ko muna siya bago kalaunan ay humiga na rin at sinubukang matulog.

Nang hindi agad dalawin ng antok ay nagpasya akong i-check ang ilang social media accounts ko. Sabog ang notifications gaya ng madalas, ngunit natawag ang pansin ko ng tagged post sa 'kin ng direktor namin do'n sa summer collection.

Pinindot ko iyon at napunta ako sa Instagram post niya kung saan may teaser video no'ng shoot namin ni Colton. Hindi ko maiwasang pasadahan ang comments section.

"Bagay rin."

"NAIDEN PA RIN!"

"They look good together."

"Hot no'ng guy! OMG."

"Siya 'yong dating artista 'diba?"

"They're not for each other, may Kaiden na ang Queen Nayeli namin at may jowa naman daw si Colton Jace."

May ibang komento pa 'kong nakita na sumasang-ayon sa huli. May mga nag-mention pa sa account no'ng sinasabi nilang girlfriend at kagat-labi ko iyong pinindot.

Danelle Marih.

Iyon ang nakalagay sa profile niya. Letter D nagsisimula. Parang may kumurot sa isip ko nang maalala ang kausap ni Colton kanina sa tawag. Binrowse ko ang mga litrato niya. Petite siya at mestiza. Maganda at halatang anak-mayaman.

Agaw pansin ang mga post niya roon kung nasaan si Colton. May isa itong stolen shot sa feed niya kung saan solo lamang ito.

Hey there, handsome.

Iyon ang caption doon at may heart emoji pa. Maraming likes at nanunudyo sa comments section. May nagsabi pa roon na, "Another date, I see."

Tila may pumiga sa puso ko kasabay ng kawalan ng gana sa kung ano. Iko-close ko na sana ang app nang makita pa ang isang group picture naman sa isang mamahaling restaurant.

Sina Colton, Mr. Isaac, at si Danelle lang ang nakilala ko roon pero may kasama pa silang tila mag-asawa. Emoji lang ang caption doon at may mga nagtatanong sa comments kung meeting the parents daw ba.

May pait akong naramdaman nang ma-realize na hindi niya man lang ako sinubukang ipakilala sa magulang niya noong kami pa.

Nang manlabo ang paningin sa nagbabadyang luha ay pinatay ko na ang cellphone at pinilit na matulog.

"Hoy, almost lunch time na. Tumawag 'yong isang clothing sponsor mo, puwede na raw kunin ngayon 'yong isusuot mo para sa guesting." I woke up in Rafa's nagging voice the next morning.

Tiningnan ko ang oras at nakitang 10:45 a.m. na. I groaned. Matapos ang nakita kagabi ay hirap na hirap na akong makatulog hanggang kaninang madaling araw. Hikab tuloy ako nang hikab habang papunta kami sa mall. Nakasimpleng damit lang ako para madali at hindi hassle for fitting.

Hindi ko na rin naman kinailangang mag-shades, cap, or mask nang bumaba kami sa sasakyan dahil ang mall na pinuntahan ay hindi kagaya ng usual malls na matao. Isa ito sa mga high-end malls kung saan halos walang paki-alamanan kahit makakita ng artista.

Nang pumasok kami sa boutique ay agad na sumalubong ang usual na nag-aasikaso sa amin.

"Good day, Ms. Nayeli, Ms. Rafa, this way po," aniya at ni-lead na kami sa other side ng store.

Sumama si Rafa sa pagkuha ng mga damit habang nanatili naman akong nakaupo sa may waiting couch. I was yawning when I saw two familiar figures entering the shop. Agad akong napasara ng bibig.

Danelle was immediately assisted by a staff while Colton was following her. The girl was picking clothes as Colton sat on the chair in front of where she was. I saw him pulled his phone from his pocket and busied himself with it.

"Jace, look," tawag ng babae at itinapat ang hawak na sexy at maiksing bestida sa sarili.

"Is this fine?" nakangiting tanong nito.

"Yeah, it would look good on you," he lazily said before bringing back his eyes down to his phone.

My lips parted. Hindi ko maiwasang magkumpara. Noon ay halos hindi niya ako payagang magpakita ng ni katiting na balat sa mga isinusuot ko, habang napaka-supportive niya naman sa girlfriend niya ngayon.

I felt a lump in my throat. My chest suddenly became heavy. Seeing them together in front of me is a different kind of pain.

"Nari, sukatin mo na," walang pakialam na sabi ni Rafa paglabas sa stock room.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiwas ng tingin nang makita ang paglingon nina Colton. I stood up and turned my back while trying to erase the unwanted feeling.

I hope it didn't show that my knees were feeling weak.





























Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon