Kabanata 12

72.6K 3.3K 1.6K
                                    

Buong pangalan



"'Yong artista ba 'yon?"

Mabilis akong napalingon nang makarinig ng bulong sa kung saan. Pagtingin ko sa kaharap ay wala lang siyang reaksyon doon.

"Oh, no." I panicked.

Nasa madilim na parte naman kami kaya hinila ko na lang siya patalikod para maiwala namin sila.

"Nasaan ang kotse mo?" tanong ko habang hinihila pa rin siya.

Tamad na tamad ang mga hakbang niya.

"I don't care. Let them see us," aniya at umirap pa.

"Colton!" Hindi ko alam pero kusa iyong lumabas sa bibig ko.

Sa immature na lagay niya ay parang hindi ko siya matawag na 'Sir' ngayon. Parang bata.

Sa kabila ng dilim ay nakita kong nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Kalaunan ay naglakad na rin siya patungo sa sasakyan niya. Sumakay at nanatili lang kami roon para maging ligtas mula sa mga mata ng iba.

Nakasandal ang ulo niya sa upuan at ang kamay ay nakahawak sa manibela.

"I'll drive you back to your dorm," aniya kalaunan na nagpagulat sa 'kin.

"No! Hindi puwede," sabi ko agad. "Hindi pa tapos ang duty ko."

Umikot na naman ang mga mata niya. "And what if those bastards try to do something stupid again?"

Tila hindi mapanatag ang pagkakasabi niya rito. Sandali akong nag-isip ng masasabi na makapagpapakalma sa kanya.

Napadpad ang tinginko sa kamao niyang nakahawak sa manibela. Napansin kong namumula ito sa pamamaga at tila may mga gasgas pa. Kinagat ko ang labi.

"I'll... text you once I get home," marahang sabi ko na lang nang maalalang mayroon akong numero niya.

"Tsk, as if." he bitterly said. "You never text me."

Naging mahaba pa ang gabi sa pangungumbinsi ko sa kanyang umalis na at magpalamig. Kaya't hanggang sa sumunod na araw ay nagpa-flashback pa rin sa akin ang mga nangyari ng gabing iyon.

"Rafa, ano'ng ibig sabihin kapag sinabihan ka ng 'let me court you'?" tanong ko sa kaibigan habang nasa dorm pa kami at nag-aayos.

"Hmm? Ibig sabihin no'n liligawan ka niya kasi gusto ka niyang maging girlfriend," sabi nya at saka pa lang nanlaki ang mga mata. "Teka, sino 'yan? 'Yong crush mo? Ay, hindi. Malabo, walang time sa love life si Kier. 'Wag mong sabihing si Andrew or Jay? 'Wag kang papatol sa mga 'yon!" tuloy-tuloy na sabi niya.

Naningkit ang mga mata niya pagkatapos. "Or...si Sir Colton?" dagdag niya pa.

Kahit sa loob ng kusina na-assign si Rafa kahapon ay marahil nabalitaan niya pa rin ang nangyaring gulo.

Bumuntonghininga lang ako at nanlaki na nang todo ang mga mata ni Rafa. Bakas ang kyuryosidad sa kanya habang nagtatanong kung paano raw kami na-develop. Habang papunta na kami sa hotel ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa.

Colton Jace:
eat your breakfast.

'Yon ang kauna-unahan niyang mensahe sa akin dahil hindi naman na siya nag-reply nang sabihin kong nakauwi ako nang ligtas kagabi. Habang nag-iisip ng itutugon ay naalala ko ang sugat sa kamao niya.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon