Kabanata 29

63.2K 2.7K 783
                                    

Broccoli




"Si Kier?! As in si Kier na katrabaho natin noon? 'Yong suplado?!"

"Oo nga sabi!" halos inis na wika ko dahil paulit-ulit na siya sa pagtatanong.

I could understand where Rafa's surprise was coming from though. Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko kanina.

"Grabe. Time really does change people, huh," mangha pa ring sabi niya. "Kaya wala ka dapat matahin o maliitin sa mundo eh, hindi mo alam kung ano'ng puwedeng mangyari sa hinaharap," dagdag niya habang umiiling.

Hindi ko maiwasang tumango bilang pagsang-ayon.

"Teka nga, bakit hindi mo alam 'yon eh, ikaw ang nakipag-coordinate sa kanila?" tanong ko.

Binigyan niya ko ng tamad na tingin bago muling lumingon sa daan. "I told you, company representative lang nila ang ipinadadala para i-meet ko. If I know, gusto ka lang talagang i-surprise ni Kier." She smirked.

Natahimik ako.

Naalala ko na naman bigla 'yong sinabi ni Kier kanina. Puno ng sinseridad at tila may gusto siyang ipahiwatig. Ayokong mag-assume pero hindi ko maiwasang maalala kung gaano siya katindi pagselosan ni Colton noon. I shook my head. Damn it, Nari. You're thinking about him again. Stop it.

Naiwala ko rin naman agad ang iniisip dahil huminto na ang sasakyan sa venue ng shoot para sa pelikula.

I was laughing so hard while I was on standby with Kaiden because he kept on telling me about the latest update of the anime we've been watching. Hindi ako palanood ng mga gano'n dati, pero nang minsa'y isinuggest niya at sinubukan ko ay naaliw naman. Hindi ko nga lang masyadong nasusubaybayan dahil abala. May sound effects at actions pa ang pagkukuwento niya kaya tawa ako nang tawa. I swear, Kaiden is like the most humorous person I've ever met yet.

"Nari..." Nabitin sa ere ang tawa ko nang lumapit si Rafa at may inabot sa 'kin.

"Phone mo. Kanina pa 'to tunog nang tunog, eh. Hintayin ko na sana matapos 'yong take, kaya lang pang-ilang tawag na 'to baka sobrang importante."

Nagtatakang kinuha ko ang inilahad niya at tiningnan.

Mrs. Paz calling...

Napakunot ang noo ko. Sasagutin ko na sana iyon nang sumigaw si Direk na start na raw ulit.

"Mamaya na lang," baling ko kay Rafa saka iniabot pabalik ang phone.

Nagkibit-balikat lang siya at tumango.

Halos padilim na nang matapos ang shooting. Kasalukuyan kaming kumakain at halos hindi ko na naalala ang tungkol sa tawag kung hindi lang muling nag-ring ang phone. Si Mrs. Paz ulit. Agad ko nang sinagot iyon.

"Hello?"

"H-Hello, Nari? Uh,m-mabuti sinagot mo na! Busy ka ba?" parang nag-aalangan pang tanong niya.

"Uh, hindi naman po, katatapos lang ng taping," simpleng sagot ko.

"Gano'n ba? M-Maghahanda kasi ng mini celebration ang kompanya bukas para sa success ng shoot at pa-thank you na rin sa 'yo..."

Nagulat naman ako. "H-Huh? Ah naku, hindi naman na po kailangan. Kusang-loob naman ko naman po 'yon," wika ko dahil hindi naman talaga ako naghihintay ng kapalit.

"Hmm? Alam naman namin... p-pero sayang naman kung hindi ka makapupunta. Excited pa naman ang mga staff na makita ka... Kahit saglit lang, Nari..." Hindi ko alam pero parang may pagsusumamo at kaba pa sa boses ni Ma'am.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon