Kabanata 3

90.9K 3.9K 1K
                                    

Pitch Black



"Doon sa may The Lodge, Miss, i-try mo. Malaki ang resort na 'yon eh, baka mabigyan ka ng trabaho sa maintenance ng hotel." Mabait na ngumiti sa akin ang lalaking may-ari ng pinagtanungan kong souvenir shop.

Ngumiti rin ako at nagpasalamat. Binigyan nila ako ng direksyon kung paano makapupunta roon. Malapit na rin naman pala, tanaw ko na mula sa nilalakaran ko ang matayog na building.

Ilang saglit pa ay nakatitig na 'ko sa mismong harap ng gusali na may nakalagay na 'The Lodge' in bold letters sa bandang itaas.

Matayog iyon at high-class ang dating. Ngayon pa lang ay duda na 'kong matatanggap doon ang isang tulad ko.

Bago pa tuluyang kainin ng kaba ay humugot na 'ko ng malalim na paghinga at pumasok. Sa may bukana pa lang ay may mga tauhan nang malugod ang pagtanggap na para bang VIP ako. Lumapit ako sa may counter kung saan may mga nakaunipormeng empleyadong maaliwalas ang ekspresyon ng mukha.

"Good morning, Ma'am, any reservation po?" nakangiting tanong nito sa akin.

Umiling kaagad ako. "Ah..."

"Walk-in po?" dagdag niya pa habang nakangiti pa rin.

"Uhm, mag-a-apply po sana ng trabaho, Miss..." Nahihiyang ngumiti ako.

Dahan-dahang bumuo ng bilog ang bibig niya saka tumango habang tumatagal ang titig sa akin.

"Ah...proceed ka na lang do'n sa first room pagkakanan mo sa hallway na 'yon para sa HR," turo niya.

Nagpasalamat ako atsaka nagtungo sa iminuwestra niya. Bumungad sa akin ang singkit na si Mrs. Paz. Pinaupo niya ako sa harap niya atsaka kinausap.

Hindi ko maiwasang mapabilib sa sarili sa kung paano ko nakakayang maitawid ang unang karanasan sa pag-a-apply na parang normal na tao.

Tanging birth certificate lang ang naipakita kong papeles dahil 'yon lang ang mayroon ako. Nagulat pa si Mrs. Paz nang sinabi kong wala akong educational background.

"Kung ganoon, bakit matatas kang mag-Ingles?" nagtatakang tanong niya nang mapansing tuwid ang mga sagot ko sa interview.

Nahihiya kong minasahe ang batok. "Nasanay lang po.."

Bukod kasi sa wala naman akong ibang inatupag sa bahay kundi ang magbasa ng mga English books ni Kuya, bata pa lang ay sinanay niya na 'ko sa wikang iyon. He always talks to me in English when I was little. Uso raw iyon noon dahil cute kapag marunong mag-English ang baby.

Tumagal pa ang tingin ni Mrs. Paz sa akin. Hindi raw halata sa hitsura ko na wala akong pinag-aralan, balak niya pa naman daw sanang bigyan ako ng klerikal na trabaho. Mabilis ko namang sinabing ayos na akong tagalinis o kung ano man, dahil hindi rin ako tiwalang magagampanan ko na agad ang anumang mataas na lebel na gawain.

"Hindi naman talaga urgent hiring ang resort ngayon, pero dahil sa paglago ng negosyo at patuloy na pagdagsa ng turista, ang utos ng management ay tumanggap nang paisa-isa o dalawang trabahante para maging sapat sa pag-aasikaso ng customers," aniya kaya masuwerte raw ako at tatanggapin niya ako.

Ipinaliwanag niya ang trabaho ko bilang resort crew. Sa umaga raw ay magru-room service ako at sa hapon naman ay tutulong sa clubhouse na 'di kalayuan mula rito sa hotel. Ngunit aniya'y kung may biglaang mga gawain ay dapat on-call kami.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon