Kabanata 11

73K 3.8K 2.7K
                                    

Motherfuckers


Huminga ako nang malalim atsaka matapang na pumindot sa payphone. Matapos ang ilang araw mula nang umalis ay naipon ko na ang lakas ng loob para tawagan si Kuya. I know I have to. I have to atleast tell him that I'm safe. He might be so worried until now.

Pinili ko ang oras na alam kong wala pa sa bahay si Kuya para hindi siya marinig ni Papa na kausap ako sa telepono.

Kasabay ng tunog ng pag-ring ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Hello?" Halos maiyak agad ako nang marinig ang boses niya.

Pinigilan kong manginig ang boses. "Kuya..."

"Nari?" I felt the urgency in his voice. "Nari, ikaw ba 'yan, Nari?!"

"Kuya, I'm sorry..." Pinatatag ko ang boses dahil alam kong mas mag-aalala lang siya kapag nahimigan ang panghihina sa akin.

"Where are you? Just tell me where you are, Nari. Kuya's going to fetch you." Nagulat pa 'ko sa munting pagpiyok niya.

"Kuya, no. I'm safe and alright. I just called for you to know that I'm safe," matatag ang boses na sabi ko.

"But Nari—" Pinutol ko agad siya.

"Please, Kuya. I just need you to trust me, okay? Please believe in me. I have things... that I want to achieve by myself too..."

Narinig ko ang paghinga niya. "Damn, I hate Papa for letting this happen."

"No! Please don't hate him," I softly said. "Just think that... this is also what I wanted after all. It's my personal decision."

I heard him sigh, surrendering. "Okay... But please, please call me whenever you have time, alright?" He sounded desperate.

Napapikit ako nang mariin. "Okay. I miss you."

He heaved another sigh. "I love you and I miss you, too."

Nagbigay pa siya ng maraming paalala tungkol sa pag-iingat at iba pa bago hinayaang ibaba ko ang tawag. Somehow, that tiny hole I've been feeling from a certain side of my heart kind of felt like it's filled now.

Magaan ang pakiramdam ko buong araw. Feeling ko ay nasa tamang disposisyon ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko lately. I'm thankful for the energy since ako na ang nakatoka sa pag-a-assist ng customers sa clubhouse ngayon.

Mabuti nga at hindi natapat na weekend kaya hindi naman masyadong matao.

"Nari, halika nga rito." Nakapamaywang na sabi ni Jen sa may counter.

Ipinatong ko muna ang ibabalik na tray sa counter saka agad na ring lumapit sa kanya.

"Hindi naman gano'n kaabala ngayon kaya kapag gustong makipag-usap ng customer, i-entertain mo naman kahit papaano! 'Wag kang bastos. Nakita ko kanina, may sasabihin pa yata sana sa 'yo 'yong lalaki tapos nagpaalam ka na agad," may diing sabi niya.

Hindi naman ito ang unang beses na pinagsabihan ako ni Jen kaya hindi na 'ko nagulat. Tumango na lang ako para hindi na humaba. Nang tumalikod ako'y narinig ko pang nagsalita ang katrabaho naming si Brandy na may lollipop pa sa bibig.

"Hoy, ano na naman 'yon, Jen? Pinag-iinitan mo na naman si Nari. Insecure ka, ghorl?"

Nang may pumasok na mag-inang customer ay lumapit agad ako. Kinuha ko lamang ang order nila tapos ay tumalikod na para bumalik sa counter. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay nahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Sir Colton sa pinto.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon