Kabanata 8

77.4K 3.6K 1.3K
                                    

The smile



"Unless you already have prior plans with your crush or something..." dagdag niya nang hindi kaagad ako nakapagsalita.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na may crush ako dahil wala naman. Normal lang naman sigurong magyayang kumain ang boss sa empleyado paminsan-minsan kaya pumayag na rin ako.

Tumaas pa saglit ang kilay ni Sir Colton sa matagal na pagsang-ayon ko.

"You might have to inform someone first, perhaps?" Mapanuri ang tingin niya sa 'kin.

Sa sinabi niya ay bigla kong naalala si Rafa dahil ang alam niya'y umaga lang ako mawawala at sabay kaming kakain ngayong tanghali gaya ng nakasanayan.

Mabilis at walang sabi-sabing inilabas ko ang cellphone ko dahil sa naisip. Nag-type ako ng mensahe kay Rafa na hindi ako makakasama sa kanyang kumain ng lunch.

Pagka-send ng mensahe ay inangat ko na ang tingin.

"Okay na, Sir."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita ko pa siyang umirap bago pinasibad ang sasakyan.

Sa isang beachfront restaurant napiling kumain ni Sir Colton. Pagpasok ay napansin kong kauntilang at halos walang ibang customer ang restaurant.

Homey ang ambiance ng kainan at halatang mahal ang mga pagkain. Maaliwalas at maganda pa ang napiling puwesto ni Sir Colton.  Umupo kami sa may lamesa kung saan tanaw na tanaw ang bughaw na dagat.

May lumapit sa 'min para kunin ang order at pumili lang ako ng pinakamura. Napakarami naman ng ipinalista ni Sir Colton at iniisip ko kung paano niya kaya mauubos iyon.

Dumapo ang mga mata ko sa kamay kong nakapatong sa lamesa at napangiti nang malaki sa bracelet.

"Ngumingiti ka naman pala." Nagulat ako nang biglang magsalita ang nasa harap.

Ano raw? Gusto kong mapanganga ngunit pinigilan ko ang sarili. Nakaalis na pala ang waitress at ngayo'y nakatuon na ang buong atensyon niya sa akin.

Sa halip na tumunganga ay hindi mapigilang tumaas ng kilay ko sa sinabi niya. Palangiti naman talaga ako kung tutuusin.

"Ikaw nga riyan, Sir, ang hindi ko pa nakikitang ngumiti, eh." sabi ko na medyo natatawa.

Tumakas ang munting halakhak sa bibig ko. Unti-unti lang akong natigilan nang mapansing walang bakas ng pagka-aliw sa mukha ni Sir Colton.

Bagsak ang mata nito sa nakakurba kong labi. Seryoso ang tingin. Marahil nagpanting ang tainga sa tunog ng tawa ko. I swallowed the lump of fear forming on my throat. Patay! Matatanggal pa yata ako sa trabaho nang wala sa oras!

"The bracelet could have meant so much for you to be that happy."

Halos nakapikit na ang mata ko sa pag-aabang ng matalim niyang salita ngunit salungat doon ang narinig. Hindi siya galit? Yes!

Nakahinga ako nang maluwag bago tumango sa sinabi niya. "Regalo 'to sa 'kin kaya iniingatan ko."

Natigilan siya. Bahagyang umangat ang kilay. Kaswal siyang nag-iwas ng tingin at sumandal sa upuan niya.

"From someone special?" he casually asked. Wala sa 'kin ang mata, bagkus ay nasa dagat.

Habang hinihintay ang sagot ko ay pasimple siyang sumulyap sa 'kin ngunit hindi rin iyon nagtagal.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon