PROLOGUE

167 14 0
                                    

TPPOV

"Aray!" sigaw ni Azi sa loob ng bahay nito "Hoy! Okay ka lang-ah! Vince! Manganganak na ata ako!" sigaw ni Venice sa asawa nito

"Addie! Tangina ka! Manganganak na rin ako!" sigaw din ni Azi at nagmamadali namang nagsiakyatan ang mga asawa nito

"Ano? Bakit? Anong nangyayari?" sabay na tanong nang mga asawa nito

"Manganganak na nga kami! Goddammit!" bulyaw ng mga misis nila kaya agad nilang kinuha ang gamit na kakailanganin at binuhat na ang mga asawa nila

"Tangina ka, Addie! Ang sakit!" bulyaw ni Azi sa loob ng kotse nilang mag-asawa

"Paandarin mo na!" bulyaw naman ni Venice sa asawa

"Hinga ka muna, love. Mabilis na to, hinga ka muna" Sabi ni Addie sa asawa habang nagmamaneho "hayop ka! Last na to!" bulyaw ni Azi sa asawa habang hinihila ang damit nito

"Venice, masakit sandali na lang malapit na tayo" Sabi ni Vince sa asawa "siguraduhin mo yan gago ka!" Sabi ni Venice habang humihinga ng malalim at kinukurot ang balat ng asawa

"Kuya! Patulong po" Sabi ni Addie sa mga staff nang hospital at tinulungan naman siya nito na isakay ang asawa sa kama at tsaka ito diniretso sa labor room

"Shit ka! Bullshit ka!" singhal ni Venice sa asawa habang nakasakay na ito sa kama at dinidiretso na rin sa labor room "papatayin kita!" dagdag nito bago siya tuluyang makapasok sa loob

"Misis, ire na lang po" Sabi nang doktor kay Venice "Ahhhh!" sigaw nito at huminga muli nang malalim

"Sige lang, honey. Lalabas na rin yan" Sabi ni Vince sa asawa habang hawak-hawak ang kamay nito

"Love, sige ire lang. Lalabas na" Sabi ni addie sa asawa habang hawak-hawak din ang kamay nito "Ahhh!" sigaw ni azi

"Isa pa misis" Sabi nang doktor mula sa magkabilang labor room ni Azi at Venice

"Ahhhhhh!" sigaw nang magkaibigan at sa huling ire na iyon ay lumabas na rin ang mga anak nila

"Anak ko" Sabi ni Azi bago niyakap ang anak matapos maputulan ng pusod at malinisan ito nang doktor

"Welcome to world Abi Villafuente" sabi nito at nakahinga na ng maluwag at hinawakan ang kamay ng asawa na hindi maalis-alis ang tingin sa asawa't-anak

"Welcome to the world baby ko, pro-protektahan ka namin ng kuya mo kahit na ano pang mangyari" Sabi ni addie sa anak

"Misis, ito na po ang anak niyo" Sabi ng doktor at inabot ang malusog na batang lalaki kay Venice

"Our baby boy" Sabi ni Vince at tinignan ang asawa at ang pangalawang anak nito "Welcome to the Family Eli Victorino" Sabi nito at masayang tinignan ang asawa nito

Maya-maya pa ay inilipat ang magkaibigan sa iisang kuwarto para makapagpahinga ito at para maayusan at mas malinisan pa ang mga bata na isinilang nila

"Buti na lang nakatulog sila nuh?" tanong ng isang pagod na Vince sa isa ding pagod na addie

"Sinabi mo pa" sagot ni Addie referring sa mga asawa nila

"Ba't ba kasi natin to ginawa?" panimula nito "Sabay na nabuntis ang mga asawa natin, sabay din tayong naging tatay. Kaya parehas tuloy tayo puro sugat" Sabi ni Addie at natawa naman ang kaibigan nito

"Daddy!"

"Shhhhh!" sabay na pagpatahimik ni addie at Vince sa dalawang panganay na anak nito na kakapasok lang sa loob

"Shhhhh!" pag-ulit ng dalawa sa isa't-isa at tsaka dahan-dahan na tumakbo sa ama nila

"Daddy, how's my baby brother?" tanong ng pitong taong gulang na anak ni Vince na si Erich "your baby brother is fine and healthy, super healthy to be exact" Sagot nito habang nakangiti

"Daddy, sinong mas pogi, ako o siya?" tanong nito "syempre ako" pangangasar nito sa anak bago ito hinalikan sa noo

"Daddy, is my sister pretty?" tanong nang panganay na anak ni Addie na si Pharell "yes...Very pretty" sagot nito sa pitong gulang na anak

"Just like mommy?" tanong nito at tumango naman si Addie "yes, just like mommy" nakangiting sagot nito

"Daddy, I will protect my baby sister. Katulad nung sabi mo sa'kin" Sabi nito at natuwa naman si Addie sa narinig niya

"Babalian natin ng buto yung mga lalaki na lalapit sa kaniya" Sabi nito bago tinuro ang kaibigan nito na si Erich "Pati kapatid mo. Pag inaway niya baby sister ko, bubogbugin namin siya ni Daddy" Sabi nito sa kaibigan

"Pero paano kung yung kapatid mo ang mang-away sa kapatid ko?" tanong ni Erich "Hmmm, okay lang" sagot nito

"Girl naman siya eh, we can't hurt her" sagot nito at bumusangot naman si Erich at tumingin sa ama nito "He's right, Anak. You can't hurt a girl" sagot nito sa anak at napatingin naman muli si Erich kay Pharell

"Okay, pero pag inaway mo yung baby sister mo. Ako bubogbog sayo" Sabi nito at tumango naman ang kaibigan nito

"Mommy!" sigaw ni Pharell nang mapalingon ito sa kakagising lang na ina at tumakbo para yakapin ito

"Mommy!" sigaw din ni Erich at tumakbo papalapit sa ina nito na gising na rin

"Hi, baby" bati ni Azi sa anak na lalaki "mommy, nasaan na yung baby?" tanong nito

"Nililinisan pa nila baby ko" Sagot nito

"Mommy, okay ka lang po ba?" tanong ni Erich sa ina habang inaayos ang buhok nito

"Of course baby, okay lang si mommy. Malakas ata si mommy"

"Just like me?" tanong ng anak nito at tumango naman ito bago hinalikan ang noo nito

"ma'am" napatingin naman silang lahat sa may pinto ng bumungad ang dalawang nurse sa kuwarto nito at napangiti naman ang batang magkaibigan ng makita na hawak-hawak ng dalawang nurse ang mga kapatid nito

"Here you go, Mrs. Villafuente" Sabi nung nurse at inabot na kay Azi ang anak nito at dahan-dahan namang umakyat at umupo si Pharell sa kama para makita ang kapatid nito

"Hi, baby" Sabi ni Pharell bago hinawakan ang maliit na kamay ng kapatid na babae

"Mrs. Victorino" Sabi ng isang nurse at inabot na rin ang anak na lalaki ni Venice "Hello, baby Bro" Sabi ni Erich ng makita ang bunsong kapatid

"Mr. and Mrs. Villafuente...Puwede ko na po bang makuha ang pangalan nang bata?"

"Amihan Beatriz Izobella Villafuente..." Sagot ni Azi sa nurse at hindi naman mapigilan ni Addie na mapangiti dahil sa asawa nito

"Mr. And Mrs. Victorino, Yung name po nung baby?" tanong ko nung nurse "Erasmus Liam Iker Victorino" sagot nito

"I love you" Sabay na bulong nang dalawang ina sa mga anak nito bago hinalikan ang noo nito

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon