CHAPTER 10: AVOIDING

21 10 0
                                    

ABI'S POV

Two weeks...Two weeks straight ko ng hindi pinapansin si Eli at sa tuwing susubukan niya akong kausapin ay sinasabi ko na lang na busy ako kahit na ang ginagawa ko lang naman ay tumunganga

Simula ng mangyari ang aksidente sa banyo two weeks ago ay natakot na akong lapitan siya at simula din nun ay ang paglipat ng locker ko sa tabi ng locker ni Micha. Ayoko na munang makita siya o kaya naman ay makausap

Salamat na lang din talaga kay Doc Grayson na hinanap ako kundi patay na siguro ako ngayon. Linggo ngayon at kasalukuyan akong nasa mall kasama si Doc Grayson manunuod kami ngayon ng sine at habang bumibili ng ticket ay napalingon naman ako ng may pumila sa likod namin at laking gulat ko ng makita si Emily at Eli

"Uy!" sabi ni Eli ng magtama ang mga tingin namin at yun na din ang naging dahilan ng paglingon ni Doc Grayson

Tinago naman ako nito sa may likuran niya ng makita nito si Emily "Hi..." ani ko sa kanila at bahagya naman nilang niyuko ang mga ulo nila ng batiin sila ni Doc Grayson

"See you sa loob" sabi ni Doc Grayson ng makuha na namin ang ticket namin

Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming umupo ni Doc Grayson sa upuan namin at makalipas ang ilang minuto ay pumasok na rin si Eli at Emily and somehow ay nasa tabi pa namin sila

"Okay ka lang?" tanong ni Doc Grayson sa'kin "uncomfortable...scared" sagot ko at tinignan naman niya yung dalawa bago ako muling tignan

"I'm here" sabi niya at umayos naman ako ng upo ng magsimula na movie

Ang movie na pinapanood namin ay it: chapter 2. Habang nanunuod ay panay ang tingin ko kay Emily na ang OA kung makasigaw

"Ano bang nakakatakot sa movie na to?" tanong ko kay Doc Grayson at nagkibitbalikat naman siya

"Ah!" sigaw ni Emily

Lumapit naman ito sa'kin kaya lumapit din ako nang bahagya "Ang duwag niya..." bulong ni Eli sa'kin na ikinatawa ko "Problema mo na yan" sabi ko at muli naman akong natawa sa naging reaksiyon nang muling sumigaw si Emily

Anong katarantaduhan to?!

Nang matapos ang movie ay halos mabingi ako dahil sa pagsigaw ni Emily

"Dun tayo!" pagpupumilit ni Emily kay Eli na pumunta sa loob ng Photo both "Ayoko nga! Sasamahan ko si Abi..." sabi nito at natigil naman ito sa paglalakad papalapit sa'min nang yakapin siya ni Emily mula sa likod

"Nakakasuka sila" sabi ko at natawa naman si Doc Grayson habang naglalakad kami palayo dun

"Gusto mo bang pumunta sa national bookstore?" tanong niya at tumango na lang ako "let's go!" sigaw ko at hinawakan naman niya ako sa pulsuhan ko na walang sugat bago ako hinila papunta sa national bookstore

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa susunduin daw ako ni Micha kasama si Doc Grayson at nang makalabas ako ng bahay namin ay agad na sumalubong sa'kin ang boses ni Micha

"Amihan!" sigaw niya kaya naglakad na ako papalapit sa kaniya at ng nasa harap na niya ako ay agad naman niya akong niyakap

Nagulat naman ako ng biglang magbukas ang pintuan ng Van "Hello bitch!"

"Samantha!" sigaw ko ng makita si Sam, isa sa mga kaibigan namin Micha

"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko sa kaniya ng humiwalay kami sa yakap "kahapon lang" sagot niya at pumasok naman na kaming tatlo sa loob ng Van

"Good morning" bati sa'kin ni Doc Grayson ng makasakay ako sa loob

"Morning..." bati ko pabalik at nagsimula naman na siyang magmaneho habang nagkukuwentuhan kaming tatlo nina Micha at Sam

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon