CHAPTER 4: BROKEN

35 10 0
                                    

ABI'S POV

"Abi! Abigail!" agad ko namang binuksan ang pintuan ng bahay namin dahil dun

"What?!" sigaw ko pabalik ng makita si Eli

"Puwede bang pumasok?" tanong niya at tumango na lang ako at muling bumalik sa pagkakahiga ko sa sofa namin at pinagpatuloy ang panonood ng tv habang si Eli naman ay tahimik na nakaupo sa pang-isahang sofa

Napabuntong hininga naman ako at umayos ng upo bago siya tignan "ano na naman bang problema mo ngayon?" tanong ko at agad naman akong naawa kay Eli nang makita siyang nakangiti sa'kin habang tumutulo ang luha niya

"Parents?" tanong ko at umiling naman siya

"Friends?" tanong kong muli at tumango naman siya

"wanna hug?" tanong ko at tumango naman siya bago ako niyakap at dahil sa sinugod niya ako ay napahiga kami sa sofa; ako ang nakahiga sa sofa at siya naman ay nasa ibabaw ko habang ang ulo nito ay nasa may dibdib ko at ang kalahating parte ng katawan niya ay nasa pagitan ng hita ko

Nilagay ko naman ang kamay ko sa ibabaw ng ulo niya pababa sa likod at hinagod-hagod iyon "ano yun? Sige lang, alam mo naman na puwede kang maging mahina sa harap ko anytime" Sabi ko at tinignan naman niya ako kaya ang baba niya ay nakapatong na ngayon sa dibdib ko

Nagsimula naman na siyang magkuwento sa'kin about sa problema niya at nang matapos ay sunod naman akong nagpayo about dun para makampante siya

"Alam mo pauwi na sina Daddy kaya kung ako sayo...Tatayo na ako, best friend" Sabi ko at agad naman siyang umalis sa ibabaw ko at umupo ng maayos

Umupo na rin ako nang maayos matapos niya "Napaka-iyakin mo talaga" Sabi ko at pinunasan yung luha niya sa pisngi "Straight nga, iyakin naman"

"Hoy! Ang tunay na lalaki umiiyak...Straight man o hindi kasi tao kami" Sabi niya

"Bakit ka galit?" tanong ko sa kaniya dahil sa naging tono nang boses niya "So, ako...hindi ako tao ganun?" natawa naman siya sa naging tanong ko

"Of course tao ka...At isa kang matapang at matatag na tao" sagot niya habang nakangiti sa'kin "Hindi ako matapang" pag-amin ko

"Natuto lang magpanggap at nung natuto. Gumaling kaya na Master" Sabi ko at niyakap naman niya akong muli

"Nandito lang ako...Always" Sabi niya at napangiti naman ako bago siya niyakap pabalik

Kinabukasan ay natagpuan ko sa labas ng bahay namin si Eli at nakasandal ito sa kotse niya

"Ang tagal mo" inis na sabi niya sa'kin

"Aba! Malay ko bang sabay pala tayong papasok? At ang aga mo naman ata?" tanong ko "tsaka nag-ayos ka?" tanong ko ulit at lumapit sa kaniya bago nilanghap ang amoy sa may damit niya

"Nagpabango ka din, anong meron?" tanong ko at natawa naman siya "Hindi ba puwedeng, nag-ayos lang ako kasi gusto ko. At tsaka dapat lang naman na mabango ako, hindi ba?" Sagot niya at tumango-tango naman ako

"And don't act as if you don't know..." bulong niya pero medyo unclear yung ibang words kaya napakunot ang noo ko "Huh? Ano yun? Anong sabi mo?" tanong ko at tinignan naman ako nito bago umiling

"Sakay na" Sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto sa kotse niya "Seatbelt mo" sabi niya at siya na rin mismo ang nagkabit ng seatbealt ko at nagmaneho na

"Hoy! Hindi ito yung daan papuntang School!" Sabi ko at tinignan siya pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Sa mall...10:30 pa naman ang pasok natin and 08:30 palang" Sabi niya at tumango-tango naman ako

"Anong gagawin natin dun?" tanong ko "basta" ani niya at sumandal na lang ako sa kinauupuan ko

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon