CHAPTER 32: ALI

17 11 0
                                    

ELI'S POV

Habang nagsasagot sa exam ay panay naman ang tingin ko kay Abi "Mr. Victorino..." ani ng proctor namin kaya naman umayos na ako ng upo at nagsagot na lang pero makalipas ang ilang minuto ay muli akong tumingin kay Abi

Simula ng umamin ako sa kanila na may alam ako tungkol sa obsession ni Emily sa kaniya ay di na niya ako pinapansin. Nang umuwi kami galing Palawan ay hindi niya ako kinikibo at pati na rin dito sa school

Wala naman akong balak sundin ang sinabi sa'kin ni Luke sa Palawan dahil gusto ko nang itama lahat ng pagkakamali ko

Nang matapos ang exam ay agad na lumabas si Abi kasama si Luke, Micha at Ivan. Nang makababa na kaming tatlo nina Sam at Forrest ay wala na yung apat

"Nag milktea yan" hinala ni Forrest "Nag double date" sabad ni Sam

"Sunod din kaya tayo" suhestiyon ko at napatingin naman sila sa'kin

"Ito na ba ang bagong trio?" tanong ni Sam at natawa naman si Forrest

"Double date, plus three?" ani ni Forrest at tinaas naman ni Sam ang kamay para mag-apir sila "bet ko yan!" sabi nito at nag-apir naman na sila ni Forrest

"Tara na!" ani ko at sa kotse ko naman kami sumakay papunta sa milktea shop

"So, anong pangalan ng trio natin?" tanong ni Sam habang prenteng nakaupo sa likod

"Tite" dagdag niya at gulat na natawa naman kami ni Forrest "Bakit naman Tite?" tanong ko

"Kasi...Parehas kayong lalaki kaya kayo yung betlog tas ako naman yung pinaka-katawan. Kaya Tite" nakangiting paliwanag nito at nilingon naman siya ni Forrest para apiran "Ang talino mo..." natawang pagkomplimenta nito kay Sam

"Kaya nga ako ang katawan kasi nasa akin ang ulo" napahalakhak naman kami ni Forrest dahil dun

Nang marating namin ang milktea shop ay bumungad sa'kin ang tumatawa na Abi. Binuksan ko naman ang pinto para makapasok na si Sam at napatingin naman silang apat sa'min

"Surprise!" sabay na sigaw ni Sam at Forrest na ikinagulat ko

"Alam niyo...sawang-sawa na si Eli sa inyong dalawa" sabi ni Micha at umusog para makaupo si Sam sa tabi niya at tumabi naman kami ni Forrest kay Ivan

"Nagsasawa ka na ba?" tanong ni Forrest ng makaupo kami "Di pa naman" sagot ko at natawa naman sila puwera lang kay Abi na ngumiti lang

"Double date pa kayong nalalaman ah" sabi ni Forrest ng makuha na ang order nito "Oo nga" sabi ni Sam bago unahan si Forrest sa pagkuha ng straw

"Isip bata ang pukingina..." rinig kong bulong ni Forrest dahil sa ginawa ni Sam

"Pag inggit pikit" sabi ni Luke habang nakatingin sa'kin at umigting naman ang panga ko sa galit pero agad din itong nawala ng magtama ang mga tingin namin ni Abi pero agad din siyang umiwas

"At dahil sa inggit kami yung double date niyo plus three na lang" sabad ni Sam "Double date plus three" sabay nila na sabi ni Forrest bago humalakhak

"Medyo nakakapagod din pala tong dalawang to kahit nakikinig ka lang" sabi ko at natawa na lang kami bago nagkuwentuhan at napag-isipang mag-sine at sa mall na rin nag-lunch

Nang matapos manood ng sine at kumain ay dumiretso naman kami sa national bookstore. Habang tumitingin ng mga libro ay hindi ko naman maiwasan ang tumingin kay Luke at Abi na nagtatawanan habang naghahanap ng mga libro

"Kung magrereklamo ka lang din naman tungkol sa ending, edi gumawa ka ng sarili mong libro" rinig kong sabi ni Luke kay Abi

"At sa tingin mo ba hindi ko gustong gumawa ng libro? Syempre gusto ko din naman..." sagot ni Abi "Gusto kong maranasan mag book signing, pumunta sa iba't-ibang lugar para mag book signing o kaya para mag fan meeting para makilala ko yung mga readers and admins ko. Gusto ko din naman nun"

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon