CHAPTER 12: INJURED

25 10 0
                                    

ABI'S POV

Kinabukasan. Ako, si Sam, si Micha at Forrest ang magkasama, talaga ngang iniiwasan ni Eli si Forrest at hindi lang yun pati na rin ang ibang kaibigan ni Eli ay iniiwasan na din niya

Kasalukuyan akong nasa literature class, isang special subject not really important nor related sa Strand ko pero pinasukan ko ang klase na to para ma-improve pa ang pagsusulat ko, nakakailang delete na din ako ng libro ko sa wattpad at kahit papaano ay nakakapanghinayang. Habang nagsusulat ng notes para sa klase na to ng bigla na lang may pumasok sa loob ng classroom namin na isang basketball player

"Ms. Villafuente..." Sabi ng teacher namin

"Ma'am?" tanong ko bago tumayo at sinenyasan naman ako nitong lumapit sa kaniya

"Pumunta ka ngayon sa Gym, Anak" sabi nito at tinignan ko naman yung basketball player kung hindi ako nagkakamali ay ka-team ito ni Eli

"Bakit po?" tanong ko "Kailangan ka daw ni Eli, Hija. Mas importante ang kaibigan mo kesa dito..."

"Sige na, puntahan mo na siya" sabi nito at tumango naman ako bago sinundan yung basketball player

"Ano bang nangyayari?" tanong ko at habang natakbo ay sinasagot naman nito ang tanong ko

Tumigil naman kami sa may entrance sa Gym "Ayan siya..." sabi nito at mula dito ay natanaw ko ang hingal na hingal na bulto ni Eli

"Mauna na ako" sabi nito at tinanguan ko naman siya bago pumasok sa loob ng gym

"R-A-V-E-N that's how we spell success!" pagsigaw ko sa cheer ng school habang naglalakad papalapit sa kaniya "Let's go Raven! Let's go!" sigaw ko dito bago nakangiting naupo sa tabi niya sa sahig

"We are the epitome of success, let's go Raven! Let's go!" pabulong kong pagtapos at tinignan naman ako nito habang nakangiti

"Okay ka na?" tanong ko at niyakap naman ako nito mula sa likuran

"What's wrong ba?" tanong ko

"Binabaliw mo ako..." sagot niya at naramdaman ko naman ang pamamasa ng likurang bahagi ng uniform ko lalo na yung parte kung saan ang mukha ni Eli

"I don't have any...intention to confuse you" sabi nito habang naiyak at hinarap ko naman ito bago hawakan ang magkabila niyang pisngi

"Eli..." ani ko bago punasan ang luha niya gamit ang hinlalato ko

"I'm sorry, please...just don't push me away" sabi nito bago ako muling yakapin at isiksik ang ulo sa leeg ko

"I won't...I won't-"

"Talaga!" masayang tanong nito at ikinatawa ko bago tumango

Pinunasan naman nito ang luha bago halikan ang noo ko na nagpa-init sa buong sistema ko

Aba! Putangina!

Natawa na lang ako habang nagtatatalon siya sa tuwa. Bakit nga ulit kami naging magkaibigan?

Matapos ang pagwawala niya ay dumiretso na kami sa canteen at habang naglalakad papunta duon ay napahinto naman ako ng makaramdam na may sumusunod sa'min ni Eli, Kaya agad akong lumingon at nakita si Emily na masama ang tingin sa'kin

"May problema ba?" tanong ni Eli at dahil sa takot kay Emily ay napatago ako sa likod ni Eli habang nakayakap sa beywang niya

"Yah! Anong gagawin ko tungkol dito?" kinikilig na tanong niya

"May kailangan ka?" nagbago naman ang tono ng boses nito

Tinignan ko naman ang kausap nito na nasa harap niya at nakita na si Emily ito

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon