CHAPTER 43: OFFICIAL

21 10 0
                                    

ABI'S POV

"And that's our meeting for today..." sabi ko bago tinanggal ang saksakan na nag ko-konekta sa laptop ko at sa projector bago ito isara

Napatingin naman ako sa mga President ng mga Grade 7-11 dahil mga nakangiti ito sa'kin "Anong meron?" tanong ko at napangiti naman ako ng makita si Eli na nakasilip sa may bintana habang may hawak-hawak na bulaklak

"Ayieeee!" pangangasar ng mga ito sa'kin

"Excuse me" sabi ko sa kanila at nang mahawakan ko na ang doorknob ay mas lalong lumakas ang pangangasar nila

"Hey, anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalabas

"Tapos na training ko" sabi nito bago iabot sa'kin yung bulaklak at natawa naman ako ng makitang nagwawala sila sa loob ng faculty room naming mga officer

"Hintayin na lang kita sa baba" dagdag nito bago halikan ang noo ko at iwan na ako "Hihintayin kita!" sigaw nito at napangiti na lang ako bago amuyin ang bulaklak na bigay nito at pumasok na ulit sa loob ng faculty

"Ayieeee!" pag-iingay pa nila

"Hoy! Tumigil nga kayo" saway ko dito at pare-parehas naman kaming natawa puwera lang kay Micha na masama ang tingin sa'kin

Nang mag-uwian na kami ay diniretso naman ako ni Eli sa bahay namin at dahil sa sabado kinabukasan ay dito matutulog si Micha at Samantha

"Bilis ano na!?" sabi ni Samantha habang abala pa din kami ni Micha sa pag-iisip sa magiging kasabihan nito

Tinuloy ni Samantha ang pagsali sa Mr. and Ms. At todo support naman kaming magkakaibigan sa kaniya

"Alam ko na!" sabi ko at sinubo na muna ang isang pirasong piatos sa bibig ko bago nagpatuloy

"Okay. Sabihin mo 'at naniniwala ako sa kasabihan na..." pagputol ko bago sila tignan dalawa

"Life isn't supposed to be hard, kasi dapat tite lang ang hard-" agad naman akong sinipa ni Micha

"Hoy! Kingina, masakit yun!" sigaw ko dito bago hinawakan ang likod ko ng mahulog ako sa kama

"Meron pa ako" sabi ko at tinignan naman nila akong dalawa

"Not all the time life is hard, kasi ang tite tumitigas pero lumalambot" agad naman akong umusog palayo kay Micha ng itaas nito ang kamay

"Bakit naman puro etits ang pinaniniwalaan mo-"

"Meron din akong alam tungkol sa vagina-" natigil naman ako ng batuhin ako ni Micha ng unan

"Okay, quiet na ako" sabi ko bago bumalik sa pagkakaupo sa kama ko at muling nilantakan ang piatos

"Ang hirap pala nito..." sabi niya

"Pero madaya naman" sabi ko at napatingin naman sila sa'kin

"What do you mean?" tanong nila

"Hindi niyo ba napansin. Walang nananalo na lower year level, halos every year na ginaganap ang Mr. and Ms. puro mga grade 10 at senior high ang nananalo" sagot ko at napaisip naman silang dalawa

"Oo nga nuh...madaya-madaya" pag agree sa'kin ni Sam

"Tapos na ba yung gown mo?" tanong ni Micha dito at tumango naman ako bago tignan si Sam

"Oo nga pala! Kailangan namin yung description ng gown mo kasi sasabihin yun pag nirampa mo na" sabi ko at nanlumo naman ito

"Kingina! Ayaw ko na!" sigaw nito bago tumayo at binuksan ang pinto sa balkonahe ko at lumabas duon

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon