ABI'S POV
"Naks naman!"
Napalingon naman ako dahil sa ingay na yun at bumungad sa'kin si Ivan, Eli at Forrest
Kasalukuyan kasi kaming naghahanda para sa campaign namin. Tumatakbo ako ngayon bilang president at si Micha naman bilang Vice President ko
"Mami de azúcar!" sigaw ni Ivan bago naglakad papalapit kay Micha
"Dun ka nga!" pagtaboy ni Micha kay Ivan "wala ka bang friends? At kagabi mo pa ako pinepeste, pumunta ka pa talaga sa bahay" tanong ni Micha
"Sandali ano yun!?" pagsingit ko sa usapan nila nang marinig ko iyon
Mas matanda sa'kin si Micha pero ewan ko ba nagiging ate ako minsan sa kaniya or siguro dahil sa nakuha ko ang mother instinct ni mommy kaya ganito—pero sandali yung yung tungkol sa kanila ni Ivan
"Pumunta ka sa bahay nila?" tanong ko at natameme naman si Ivan "Teka! Wala sina Tita Merideth at Mason kagabi ah" dagdag ni Sam kaya napatingin na din pati si Forrest sa gawi nung dalawa
"Ba't ganiyan kayo makatingin?" tanong ni Ivan bago ituro si Luke "eh si Luke nga pinupuntahan si Abi sa bahay nila pag wala sina Tito Addie" pag-rason nito
"Alam naman nila na pupunta ako" sagot ni Luke "and besides nandun ako para bantayan siya" dagdag nito
"Ganun din ako-"
"Ulol!" pagputol ni Micha sa sasabihin niya "sinong niloloko mo?" tanong nito at tinitigan naman siya ni Ivan bago hilahin papalapit sa kaniya ang bulto ni Micha at binulungan
"Sige" ani ni Micha "Nandun lang siya para bantayan ako" sagot ni Micha kaya kumunot ang mga noo namin sa pagtataka at pinuno naman kami ng kuryusidad ng dalawang to
"Si Francis ba yun?" tanong ni Forrest kaya napatingin kami sa may bintana at nakita siya na sumisilip-silip sa loob at nang mukhang makita na ang hinahanap ay may kinawayan ito
"Sinong kinakawayan niyan?" tanong ni Luke
"Sino pa ba" ani ni Forrest bago tumingin kay Sam kaya napunta na din sa kaniya ang atensyon namin
"Wala lang yan" sabi ni Sam bago bumalik sa pag-aayos ng poster para sa campaign
Walang posisyon na gustong takbuhan si Sam pero tumutulong siya sa'min ni Micha bilang support ba
"Wala lang daw, eh diba last week ka pa niyan sinusundan dahil gustong makipag-kaibigan sayo" sabi ni Forrest
"Sinusundan ka niya?" tanong ko pero hindi naman sumagot si Sam kaya ayoko ng pilitin
"Balik na tayo sa ginagawa natin" sabi ko at agad naman nila akong sinunod
Nakalipas ang linggo na ito na puro pangangampanya ang ginawa namin
"Salamat sa pagtulong ah" sabi ko kay Autumn at Charles na tumulong din at sumuporta sa'min ni Micha
"Wala yun, sana manalo ka" sabi ni Charles sa'kin
"Welcome" sagot ni Autumn sa'kin
"Mauna na ako" sabi ni Autumn at tumango naman ako bago siya naglakad palayo
"Ako din, good luck" sabi ni Charles
"Sige, ingat" ani ko at naglakad naman na siya palayo sa'kin
Paglingon ko ay nakita ko naman si Forrest at Samantha na nag-uusap sa may bench; naka-upo si Sam habang si Forrest naman ay nakatayo at seryosong pinapakinggan si Samantha, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi lang basta-basta
"Amihan" napatingin naman ako kay Micha dahil dun
"Bakit?" tanong ko
"Bukas na daw gaganapin yun final campaign" pag-imporma nito sa'kin at napatango naman ako
"May gusto ka bang baguhin o ipadagdag?" tanong nito at umuling naman ako
"Wala na" sagot ko at napatango naman siya
Muli akong napatingin kena Forrest at Sam at nakitang nakayakap na si Sam sa baywang ni Forrest
"Alena-" akmang lalapitan ko sila ay natigilan naman ako ng biglang hawakan ni Micha ang braso ko
"May kailangan ka pa ba?" tanong ko
"Alam kong gusto mo din silang lapitan—pero wag na" sagot niya na ikinataka ko
"Ginawa ko na yan kahapon, nagalit lang sa'kin si Samantha" dagdag niya "sinigawan pa nga niya ako eh"
"Imposible. Hindi magagawa ni Alena yun" sabi ko at nagulat sa sarili ko ng tawagin ko si Samanta sa second name niya
Nagkibitbalikat naman si Micha "Nagawa niya. Mukhang may nangyayari kay Sam na hindi natin alam" sagot niya
Kinabukasan sa Final Campaign ay hinarap namin ang kalaban namin at ang buong estudyante ng Ravenwood mula grade six hanggang grade 12 ay nandito para tanungin kami. Makalipas ang ilang oras ay natapos na din at habang nagpapahinga sa opisina na pinahiram sa'min ng mga teacher ay bigla namang pumasok si Samantha sa loob
"Congrats" masayang bati niya sa'min ni Micha at napangiti naman kami ng yakapin niya kami
"After nito, gusto ko sanang sumali sa Mr and Ms sa susunod" sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Micha bago siya muling tignan
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko" sabi niya dahil sa tinginan namin ni Micha
"Kaya mo ba?" tanong ko "hindi ba't mahiyain ka?"
"Sa susunod pa naman eh" sabi nito
Napatingin naman ako kena Forrest, Luke, Ivan, Eli at iba na nagsitayuan at lumabas pero bago pa man lumabas si Forrest ay tinanguan nito si Sam
"Danaya, lumabas ka din" utos nito at napatingin naman sa'kin si Micha bago siya muling tignan at tumayo na
"Kailangan mo ba talaga akong tawagin sa pangalang yan..."reklamo ni Micha bago tuluyang lumabas
"Anong meron?" tanong ko ng makalabas na si Micha
"May problema kasi ako..." panimula niya
"Nagseselos ako sa way na tratuhin mo si Micha" bahagya naman siyang natawa sa sinabi niya "ibang-iba sa'kin"
"Iba yung suporta na binibigay mo sa kaniya, iba yung pag-aalala mo at ganun din si Micha sayo..." tinignan naman ako nito mata sa mata "para bang kayo lang yung magkaibigan" dagdag niya at napatingin naman ako kay Micha na nasa labas lang
"Hindi ba ang unfair naman kasi ako yung una mong naging kaibigan...best friend pa. Pero bakit ganun? Bakit parang dumating lang si Micha nakalimutan mo na ako?"
"Para bang kung sinong tao na lang ako na lalapit sa inyo—para akong outsider"
"Alena..." ani ko bago hawakan ang kamay niya at tignan siyang muli sa mata
"Ang sama ko bang kaibigan para iparamdam niyo to sa'kin?" tanong niya bago humikbi
"kasi Abi sa pagkaka-alala ko wala akong ibang ginawa sa inyo ni Micha kundi suportahan kayo...kahit na minsan kinukuwestyon niyo yung sarili niyo...sinusuportahan ko pa din kayo" sabi niya bago punasan ang luha niya
Naalala ko naman ang sinabi niya kanina tungkol sa pag-sali sa Mr. and Ms. at kung paano namin siya kinuwestiyon tungkol dun
Hindi niya lang problema to...kundi problema naming tatlo nina Micha
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali
Fiksi RemajaPaano kung ang pinakamasayang sandali sa iyong buhay ay hiram lang pala? Paano kung ang tao na kasama mo sa masasayang sandaling iyon ay hiram lang din pala? Sabi nga nila, hindi mo pagmamay-ari ang mga Tao at Sandali sa buhay mo...dahil kahit ang p...