CHAPTER 21: AWKWARD

32 10 0
                                    

ELI'S POV

"Hello" bati ko sa kabilang linya

"Hi..." bati ng kabilang linya at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko

"Abi..." ani ko at tumayo bago lumabas sa balkonahe ko at sinilip ko kung magkasama pa rin ba sila ni Luke pero hindi na

"Hello...Eli" sabi niya sa kabilang linya

"Hello" Sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko

"Ahmmm, paano ba to?" ani niya sa kabilang linya "Eli...Could we just forget na may nangyari kanina" Sabi ni Abi sa kabilang linya

"Kalimutan?" tanong ko at hinawakan ko naman ang labi ko

"Hmm, kalimutan. Ayokong isipin mo lahat ng yun, kaya kalimutan na lang natin" Sabi niya at pinatay ko naman ang tawag na iyon

"Easy for you to say..." Sabi ko at hinawakan ang labi ko at inalala ang mga nangyari kanina

I kissed her...she didn't pushed me away nor kiss me back, Pero para naman siyang batong nakatayo habang hinahalikan ko kanina

"...I think I'm addicted" Sabi ko sa sarili ko at umiling na lang

"Tulog mo na lang to Eli" Sabi ko at inayos na ang kama ko bago komportableng humiga at natulog na

Makalipas ang ilang oras ay bigo akong makatulog dahil paulit-ulit na lumalabas sa isip ko ang mga nangyari kanina...It's still vivid for me. The way my lips touches hers, ramdam ko pa rin siya hanggang ngayon

Agad naman akong tumayo at nagtungo sa balkonahe ko. Nang makalabas ako ng tuluyan ay halos mahigit ko ang hininga ko ng makita si Abi na nakatayo din sa balkonahe niya

"Hi" ani niya ng mapatingin siya sa gawi ko at kinawayan ko naman siya bilang sagot

"Ang sama ng ugali mo" Sabi niya

"H-huh?" tanong ko at nagsimulang mag-panic dahil sa sinabi niya

"Bigla mo na lang akong binabaan..." Sabi niya at tumawa pero mahina lang ito

Mahina ba ang tawa niya kasi baka magising yung kapitbahay namin? o baka ako kasi ang kasama niya at hindi si Luke?

"May gusto ka bang itanong?" tanong niya at agad naman akong umiling "nakakatampo ka talaga" Sabi niya

"Sabi ko, ngumiti ka tuwing makikita mo ako pero para ka namang natatakot" dagdag niya bago ngumuso

"Wag kang mag-alala, hindi ako tatalon dito sa balkonahe" Sabi niya at tumango naman ako

Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sa'kin "malamig?" tanong niya at nagtaka naman ako biglaang tanong niya

"Ahmmm...Oo" sagot ko at napatango-tango naman siya

"I see. Well, pasok ka na sa loob" Sabi niya "mukhang nilalamig na din siya eh" dagdag niya at pumasok na siya sa loob ng kuwarto niya

Sinong nilalamig pa?

Bigla naman akong napatingin sa ibaba at nakita na nakabukol ito "What the fuck!" mahinang singhal ko at agad na pumasok sa loob ng kuwarto ko

Nakakahiya!

"Teka!" ani ko sa sarili ko at huminto na muna sa paggalaw "tinayuan ba ako dahil kay Abi? o dahil sa malamig lang talaga?" tanong ko

"What the fuck! Ano ba tong iniisip ko?" tanong ko sa sarili ko

"Of course, it's malamig! malamig kasi kaya ka tumayo, okay?" Sabi ko sa ibaba "walang kinalaman si Abi tungkol sa pagtayo mo" dagdag ko at bigla namang pumasok sa isip ko si Abi kung paano siya ngumiti at tumawa kanina...

Para bang walang nangyari kanina O baka nagpapanggap lang siya?

"Ay! Ewan matulog ka na lang" Sabi ko sa sarili ko at muling humiga para makatulog na

Tangina! Ang awkward nito bukas!

Nakalipas ang ilang araw ay para akong siraulo na ngiti ng ngiti tuwing makikita si Abi

"Ba't ba ngiti ka ng ngiti?" tanong ni Ivan sa'kin "Kasi masaya ako" Sagot ko at tinaasan naman niya ako ng kilay

"Dahil?" tanong niya

"Hindi mo naman kailangan ng dahilan para maging masaya" Sabi ko

"May babae ka nuh?" tanong niya at inirapan ko naman siya "Kasi ako meron" sagot niya at napatingin naman kami sa kaniya ni Forrest

"Hay! Naks naman Hahahaha" sabi ni Forrest dito at nag-apir naman silang dalawa "Goodluck sa pagiging aso mo" sabi nito at natawa naman ako ng seryosong tignan ni Ivan si Forrest

"Tara! Sa bahay namin" pag-aya ni Ivan at tumango naman kami ni Forrest at naglakad na papunta sa parking space

Pero bago namin marating yun ay nadaanan namin si Abi na lumabas sa chapel ng school kasama si Doc Grayson

Siguro nag-usap sila tungkol sa depression niya

Nang magtama ang mga mata namin ay bahagya niyang niyuko ang ulo niya kaya ngumiti ako at nang makita niya yun ay napangiti na din siya

"Tara na" Sabi ni Luke at lumapit na kay Abi

"Una na po kami" Sabi ni Abi kay Doc Grayson at naglakad na sila ni Luke papunta sa parking space bago sumakay sa loob ng sasakyan ni Luke

"Eli! Ano na!?" Bumalik naman ako sa katinuan bago tumakbo papalapit sa kotse ni Ivan at sumakay na dun

Habang nasa biyahe ay panay naman ang silip ko sa cellphone ni Forrest dahil ka-text nito si Abi

Amiga del té : Oo nga! HAHAHAHAHA

Amiga del té : Ang stupid diba?

Amigo del té : HAHAHA punta ako sa bahay niyo mamaya

Amigo del té : I need the whole detail sa tsismis na yan

Amiga del té : Sure sure, iwan kong bukas yung gate pasok ka na lang

Amigo del té : Thanks, Mi Amiga del té

"Silip pa" sabi ni Ivan kaya napaayos ako ng upo at napatingin naman sa'kin si Forrest "Nakikibasa ka? Tangina nento" sabi nito sa'kin at natawa naman si Ivan

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon