CHAPTER 51: DEATH

28 9 0
                                    

ABI'S POV

"Eli..." naiyak kong ani habang pinagmamasdan ang bulto niya na tinatali ang kamay ko "...Bakit mo ba to ginagawa?" tanong ko at hinaplos naman nito ang pisngi ko bago punasan ang luha ko

"Kasi Mahal kita...mahal na mahal kita-"

"Hindi ganito ang pagmamahal!" sabad ko dahilan para sampalin ako nito

"Hindi tama na pagtaasan mo ng boses ang asawa mo" sabi nito habang hawak-hawak ang panga ko tsaka halikan ang noo ko

"Lumayo ka sa'kin!" sigaw ko bago siya itulak palayo sa'kin sa pagsapak sa sikmura nito

Tumawa naman ito bago muling lumuhod at harapin ako, hinawakan naman nito ang panga ko "Ikaw na nga tong nangloko! Ikaw pa tong may karapatan na ganituhin ako!" sigaw nito dahilan para mas umiyak pa ako

"Blake, tulungan mo ko please!" sigaw ko dahil na rin sa takot sa lalaki na nasa harapan ko

"Mas pinipili mo talaga yung gagong yun kaysa sa'kin na asawa mo!" sigaw nito bago higpitan ang pagkakahawak sa panga ko

"Hindi kita asawa! Hindi tayo kasal!" sigaw ko at lumipat naman ang kamay nito sa leeg ko

"Eli...Eli! Ha! Ah!" tinignan ko naman siya kaya unti-unting lumuwag ang hawak nito bago ako yakapin

"I'm sorry, I'm sorry...Ayoko lang na tinatakwil ako ng sarili kong asawa" Sabi nito at akmang hahalikan ang labi ko pero agad na akong lumayo sa kaniya dahilan para muli ako nitong hawakan sa leeg

"Eli, tama na! Natatakot na ako..." pag-amin ko at muli naman ako nitong niyakap "Natatakot na ako sayo"

"Just be a good wife for me, Abi...Just choose me, I won't hurt you at ang mga anak natin" sabi nito bago muling halikan ang noo ko

"Kunin na natin ang mga anak natin..." sabi niya bago tanggalin ang kadena sa paa ko at pangkuin ako papunta sa isang kuwarto kung saan nakita ko ang naiyak na bulto ng mga anak namin ni Blake

Tinanggal naman ni Eli ang tali sa kamay ko matapos maisara ang pintuan "Mommy!" sigaw ng naiyak nilang bulto bago ako yakapin at lumuhod naman ako para yakapin sila pabalik at halikan ang mga pisngi nila

"Mommy, a woman hurt me" pag-amin ni Ares sa'kin bago iangat ang damit at nakita ko naman ang pasa nito sa tagiliran

"Mommy, I'm scared" sabi ni Ambrose "Mommy, where's daddy? I want daddy" sunod na sabi ni Ares bago ako yakapin

Agad ko naman silang dinala sa isang sulok ng kuwarto bago yakapin ang mga bulto nila "Bakit mo nilalayo sa'kin ang mga anak natin?" tanong ni Eli at mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kambal

"Hindi ikaw ang daddy namin! You're crazy man-" napasigaw naman ako sa takot bago yakapin si Ambrose at Ares nang magpaputok si Eli ng baril malapit sa ulo ni Ares

"Mommy!" pag-iyak nito habang nakayakap sa'kin

"Lumayo ka sa'min!" sigaw ko dito "Wag mo kaming lapitan!" tinignan ko naman si Ares at Ambrose bago i-check ang mga katawan nila

"I'm sorry, Abi...hindi ko sinasadya-"

"Bad ka!" sigaw ni Ambrose bago ako muling yakapin at ganun din si Ares

"Hindi ako bad...Daddy is just angry, anak" siniksik naman nang kambal ang katawan nila sa'kin dahil sa takot kay Eli

"Eli!" sigaw ni Emily at nang mapalingon si Eli ay dumiretso kaming mag-ina papasok sa banyo at agad na ni-lock iyon

"Abi!" sigaw ni Eli habang hinahampas ang pintuan at mahigpit ko namang niyakap ang mga anak ko na kapwa ko ay natatakot na din

"Mommy..." ani ni Ares bago punasan ang luha ko at yakapin kaming dalawa ni Ambrose

Hiram na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon