Kabanata 18
Disgrace
Sunod sunod na lumandas ang mga luha ko habang hawak ang puting parihabang bagay na may nakalagay na dalawang pulang linya. I covered my mouth to stop myself from sobbing. Tinitigan kong mabuti ang dalawang pulang linya. Hindi makapaniwala sa nakikita. Alam kong posibleng mangyari pero hindi ko pa rin matanto kung bakit ganoon.
I stayed inside the bathroom for a longer time. Takot na masaktan ni Daddy kapag nalaman niya ito. Takot na malaman kung ano pa ang mga posibleng mangyari.
Kinagat ko ang labi ko saka pinunasan ang mga luha. Dahan dahan akong lumabas ng bathroom saka pumunta sa sala. Pareho silang nakaupo ni Mommy sa sofa at mukhang ako na lang ang hinihintay. Nang narinig nila ang nga hakbang ko ay sabay silang tumayo sa kinauupuan nila. Dad's looking at me with his angry eyes. Taas baba na rin ang kanyang dibdib sa sobrang galit. Nilingon ko naman si Mommy na bakas ang pag aalala sa kanyang ekspresyon.
"D-dad..." panimula ko. I looked at my feet. I can't look at them. "I'm sorry..."
"Ano?!" parang kulog ang boses ni Daddy. Humakbang siya palapit sa akin saka hinablot ang bagay na hawak ko. "You're fucking pregnant, Chandria!"
Nanginginig pa ako nang mariin niyang hawakan ang kanang pulso ko.
"Christopher!" sigaw ni Mommy saka hinawakan sa braso si Daddy, stopping him from what he is planning to do.
"Bitawan mo ako, Elena!" aniya at kumawala sa mga hawak ni Mommy.
"Christopher, maawa ka sa anak natin!" Mommy is already crying. Hinahawakan niya si Daddy at nagmamakaawa.
"Ano, Elena? Maawa? Naririnig mo ba ang sarili mo? Elena, she's fucking pregnant! And how old is she? Seventeen, for Pete's sake! Nagtatrabaho ako. Pinag aaral at binibigay lahat ng kapritso ng anak mo tapos ito ang gagawin niya?" Daddy is fuming mad.
Kapupunas ko palang sa mga luha ko ay nagbagsakan na naman ang panibagong grupo nito. I can't utter a word. Hindi ako makahanap ng tamang salita. Ni hindi ko rin alam kung tama pa bang magsalita.
Look. I'm mad at him because he only thinks about work. Puro trabaho na halos hindi na kami magkita sa isang araw kahit pareho kami nasa bahay. Alam kong binibigay niya lahat ng mga gusto ko at dahil iyon sa pagtatrabaho niya. At ngayon ay naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang kanyang pagkagalit. Bukod sa napakamurang edad para magdalang tao, nagtrabaho siya para mabigyan ako ng magandang kinabukasan.
"I'm really sorry, Daddy..."
Hindi pa rin ako nag aangat ng tingin dahil sa kahihiyan. Hindi tumitigil ang pagbagsak ng mga luha ko sa kahit na anong punas ko. Damn! My heart is aching so bad.
"Sorry? Chandria, nagdadalang tao ka! Sorry pa rin? You're just seventeen! Nagtatrabaho ako para mabigyan ka ng magandang kinabukasan! Hindi para maglandi! Hindi para magpasarap lang!" aniya habang dinuduro ako.
"Christopher! Huwag namang ganyan ang pananalita mo!" Si Manang Loudes na kalalabas lang. Alam kong kanina niya pa kami naririnig pero ngayon lang siya naglakas ng loob.
"Lourdes, huwag kang makialam dito! Anak ko ang pinagsasabihan ko!"
"Chris, pag usapan na lang natin ito sa mas maayos na paraan. Hindi iyong ganito..." pakiusap ni Mommy.
Alam ko na kapag ganitong galit sa akin si Daddy ay hindi siya pumupunta sa tabi ko. Kahit saang banda mo tignan ay malaki ang pagkakamali ko. Wala rin siyang magawa kundi pigilan na lang si Daddy sa pagsasalita ng masasakit.
"Elena, hindi madadaan sa maayos na usapan ang bagay na ito! Buntis ang anak mo! Ipasok mo sa isipan mo ang pangyayaring ito! What do you expect me to do? Yakapin siya matapos nating malaman na buntis siya? Aakuin natin ang kamalian niya? Ipagsasawalang bahala na lang na nagkamali siya at tanggapin siya nang buong buo ulit? Hindi, Elena! Dapat siyang turuan ng leksyon!"
Dumoble ang kabog ng dibdib ko. Inaalis sa isipan ang pupwedeng mangyari. No, Dad. Please.
Si Manang Lourdes ay naroon pa rin sa kanyang kinatatayuan. Bakas sa kanyang mukha ang pag aaalala sa akin. Nararamdaman kong gusto niya akong tulungan pero pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw din naman niyang madamay.
"Christopher, anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ni Mommy.
"Hindi kita papatawarin, Chandria! Ginawa mo kaya panindigan mo iyan. Ipaako mo iyan sa boyfriend mo dahil hindi ako papayag na iabort mo iyan. Masama ang pumatay ng bata" aniya.
Umiling ako. "Dad, wala p-po ang b-boyfriend..."
Muling nagsalubong ang kilay niya. Sarkastiko siyang tumawa. "Tignan mo nga naman, Elena! Nagpabuntis ang anak mo sa hindi niya boyfriend" aniya saka sinapo ang noo. "Hindi ka ba nahihiya, Chandria? You're pregnant to someone who's not your boyfriend!"
"Hindi ko po s-sinasadya, Daddy. Patawarin mo ako..."
I tried to close our space to hug him but he stopped me. Nanlamig ang mukha ko nang lumandas ang palad niya sa kaliwang pisngi ko.
"Christopher!" Si Mommy na ngayon ay humahagulgol na at inilalayo na si Daddy sa akin.
Agad na tinakbo ni Manang Lourdes ang ang distansya namin. Hinawakan niya ang balikat ko at iniatras mula sa kinatatayuan ko.
"Ikaw, Lourdes! Bitawan mo ang anak ko! Hayaan mo siyang marealize ang kanyang mga pagkakamali!" sigaw ni Daddy.
"Nasasaktan na ho ang bata!" ani Manang Lourdes saka ako niyakap habang umiiyak.
"Wala akong pakialam! Ginusto niya iyan kaya magdusa siya! At ngayon na hindi mo boyfriend ang ama ng dinadala mo, sino sa tingin mo ang aako niyan? Kami ng Monmy mo? Hindi! Kung hindi ka kayang panagutan ng lalaking iyon ay mas lalong hindi namin kayang akuin iyan!"
"Dad, magtatrabaho ako! Maghahanap ako at hindi ako hihingi ng kahit ano sa inyo. Patawarin mo lang ako, Daddy"
"Chandria, naririnig mo ba ang sarili mo? Magtatrabaho? Ni wala ka pang napapatunayan. Hindi ka pa nga nagtatapos at wala ka pa sa kolehiyo tapos sasabihin mo sa aking magtatrabaho ka? Anong trabaho ang papasukin mo? Pagiging kasambahay? Kahihiyan!"
Dinampot niya ang baso ay inihagis sa kung saan. Pare-pareho kaming napapikit sa ginawa nitong ingay.
"Tama na, Christopher" mahinang alu ni Mommy kay Daddy. Hinahaplos niya ang braso nito para kumalma pero alam kong hindi iyon mangyayari.
"Kunin mo ang mga gamit mo, Chandria" aniya habang kinakalma ang sarili. "Mag impake ka at umalis ka sa bahay na ito dahil hindi ko kayo tatanggapin ng magiging anak mo"
"Christopher! Huwag namang ganito!" sigaw ni Mommy. Ngayon ay kaharap si Daddy nang matapang.
Bahagya akong lumayo kay Manang Lourdes at saka niyakap ang mga tuhod ni Daddy, stopping him from walking away from me.
"Daddy, please! I'm really sorry! Let me handle this one. Hinding hindi ko kayo bibiguin..."
"Chandria, bago pa kita pagbuhatan ulit ng kamay ay sundin mo ako. Ano na lang ang iisipin ng mga Tito mo at ng mga kapitbahay? Pack your things and leave this house. You're a disgrace to this family!" saka siya lumayo sa akin.
"Dad!" sigaw ko habang nakaluhod pa sa malamig na tiles ng aming bahay.
He was about to go upstairs but he immediately stopped. "Ngayong aalis ng bahay si Chandria, wala ka na ring trabaho, Lourdes" saka siya dumiretso sa taas
"Christopher!" sigaw ni Mommy saka sinundan si Daddy.
Nilingon ko si Manang na halos walang ekspresyon. Wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko pero masakit ang dibdib ko.
Agad akong nilapitan ni Manang at tinulungang tumayo. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"I'm sorry, Manang..."
Maagap siyang umiling saka tipid na ngumiti. "Shh..."
BINABASA MO ANG
Chasing Again (La Suena Series 2)
RomanceMaria Chandria Valdemore is not your typical happy go lucky girl- in the outside. But the truth is she got betrayed by her parents, she lost her friends, halos pagsuklaban na siya ng langit at lupa, despite that she has the kindest heart. Pero bago...