Kabanata 29
Attract
"Congratulations!"
Nagulat ako sa biglaang pagputok ng mga confetti pagbukas ko ng pinto. Manang Lourdes holding a round chocolate cake with a candle in the middle. Ate Ruth and her husband were the ones who popped the confetti up. Ang kanilang tatlong anak ay may hawak na tarpaulin kasama si Jace. Sa tarpaulin na iyon ay naroon ang picture kong nakaitim na toga.
Congratulations, Chandria!
Agad na lumipad ang mga kamay ko papunta sa aking bibig. Naramdaman ko rin ang unti unting pag init ng mga mata ko.
"Oh my God..." mahinang sambit ko dahil sa hindi ko inaakalang pagsurpresa sa akin.
"Are you going to stand here still shocked, hmm?" dinig kong bulong ni Warren sa akin.
"Congrats, anak..."
I turned a bit and run towards Manang. I hugged her tight that the cake she's holding was about to fall. I heard her chuckle.
"Thank you, Manang..." I whispered before I let go of her.
Niyakap ko rin sina ate Ruth at kuya Joseph bilang pasasalamat. Hindi pa ako nakakaalis sa kinatatayuan ko nang sabay akong niyakap ng mga anak ni ate Ruth.
"Congrats, ate! Proud kami sayo" si Karina, ngiting ngiti nang batiin ako.
I hugged her. "Thank you. Dalaga ka na pala talaga" natatawa kong sabi.
"Mommy!"
I turned to Jace running to me. Mabilis akong pinakawalan ng magkakapatid para bigyan ng daan si Jace sa akin.
Hinayaan kong yakapin niya ko. I squatted and kissed his forehead.
"Aba! Hindi ata magiging successful ang sorpresang ito kung hindi dahil kay Warren!"
Nag angat ako ng tingin kay ate Ruth. Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi. Sumilay ang ngiti sa labi niya sa ginawa kong ekspresyon.
"Po?" naguguluhan kong sabi.
"Si Warren ang nagplano nito..."
Lumipad ang tingin ko sa lalaking nakaputing longsleeves na nakatupi hanggang siko at itim na jeans. Kita rin ang kanyang mamahaling kwintas kahit na nakapaloob iyon sa kanyang damit.
He was crossing his arms, leaning on the white wall, while smiling at me.
I stood up and closed the distance between us. Pinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang katawan at hindi ko na napigilan ang mga luha.
Natatawa niyang hinaplos ang buhok ko habang ang isang kamay ay nakahawak sa baywang ko.
Narinig ko ang sunod sunod na kantyaw ng pamilyang tumanggap at nag aruga sa akin ng ilang taon.
"Diyan nagkatuluyan sina Mama at Papa..." kantyaw ni Karina na siyang ikinatawa ng lahat.
"Basa na damit ko..." he chuckled.
Lumayo ako nang bahagya at pabirong sinapak ang dibdib niya. "Salamat..." bago ko pinunasan ang mga luha ko.
Ngumuso siya tila pinipigilan ang pagngiti. "Ganyan ba magpasalamat? May kasamang suntok?"
Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko at agad niyang itinaas ang dalawang kamay bago ko pa siya masuntok ulit.
"Whoa! Chill..." natatawa pa rin niyang sabi. "Just kidding..."
BINABASA MO ANG
Chasing Again (La Suena Series 2)
RomanceMaria Chandria Valdemore is not your typical happy go lucky girl- in the outside. But the truth is she got betrayed by her parents, she lost her friends, halos pagsuklaban na siya ng langit at lupa, despite that she has the kindest heart. Pero bago...