Kabanata 27
Here
"Chandria, bilisan mo! Mawawalan tayo ng upuan doon!" sigaw ni Marco sa labas ng room namin.
Nagmamadali na akong ligpitin ang gamit ko. "Sandali lang!"
Nang matapos ay nilapitan ko na siya at nabigla ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko ay mabilis na inilayo roon.
"Excuse me..." aniya bago marahang hinahawi ang dagat ng tao.
"Marco, pwede naman tayong pumwesto sa dulo. Mapapanood pa rin naman natin nang maayos" untag ko habang nagpapatianod sa mga hila niya.
Bago ko pa madagdagan ang reklamo ay nakahanap na kami ng upuan. Nasa pangatlong row kami at tingin ko'y maganda ang naging desisyon ni Marco na sa unahan kami.
"Bakit busangot ang mukha mo? Wag mo sakin sabihing..." he glared at me.
Pinitik ko ang noo niya. "I'm not. Ibig ko lang sabihing hindi naman required manood. Gusto kong magpahinga"
"Isang oras lang ang competition, Miss Valdemore" mariin niyang sabi.
"Higit isang oras pa iyan bukod sa pagbabanggit ng panalo" umirap ako.
"Let's all welcome our four top students in Business!"
My eyes darted on the stage as the emcee made an intro. Umingay ang paligid sa palakpakan. Inirapan ko si Marco na sumisigaw pa.
"Clara and Oliver!"
Lumabas ang dalawang estudyante at nanatili sa harap. Clara is wearing her glasses and Oliver looks really intelligent.
"Zaimore and Astrid!"
Kumunot ang noo ko nang tumayo si Marco at sumisigaw pa.
"Go, Peñafuerte!" aniya.
Agad ko siyang hinila para makaupo.
"Sinong Peñafuerte?" bulong ko.
Bumuga siya ng hangin. "Ayun oh! Yung tinawag na magandang babae. Galing din iyang Maynila e. Hindi ko lang alam kung anong rason bakit dito nag aral"
Buong competition na iyon ay puro paghikab lang ang ginagawa ko. Kung hindi lang mapilit si Marco ay umuwi na ako at nakapagpahinga.
"Akalain mo iyon? Panalo si Astrid! Napakaganda talaga e! Nastalk ko nga facebook non! Ganda ng mga picture!"
Hinayaan ko lang siyang magsalita tungkol sa pagkakapanalo ng crush niyang si Astrid. I admit it. Maganda si Astrid at halatang laking Maynila katulad ko. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit siya dito nag aral ng huling taon sa kolehiyo. Mukha namang mayaman. Ah, baka humihina ang kompanya. Nagkibit balikat ako sa mga naiisip.
Walang nagbago hanggang sa nagChristmas break. I opened my room's window. The cold wind blew my face. Sumabog ang buhok ko sa marahas na ihip. Inayos ko ang buhok ko at tumingala sa kalangitan. Gabi na at hindi lang ang maliwanag na buwan ang naging ilaw sa madilim na lugar. The colorful lights were dancing as it was placed outside their houses. May malalaking parol din na umiilaw na nagsilbing buhay sa gabi.
"Mommy..."
I turned around to see my son. Kapapasok lang niya sa kwarto galing sa pakikipaglaro kina Jasper sa baba.
"Jace, what is it?" tanong ko.
"Bibili po ba tayo ng gift kina Manang?" he asked.
Umupo ako sa paanan ng kama at sumunod rin siya. He sat down beside me making the bed waved a bit.
BINABASA MO ANG
Chasing Again (La Suena Series 2)
RomanceMaria Chandria Valdemore is not your typical happy go lucky girl- in the outside. But the truth is she got betrayed by her parents, she lost her friends, halos pagsuklaban na siya ng langit at lupa, despite that she has the kindest heart. Pero bago...