Kabanata 45

2.4K 45 2
                                    

Kabanata 45

Beautifully

Pagkatapos kainin ang inorder na brunch para sa akin ay dumiretso ako sa banyo para makaligo. Gaya nga ng sabi niya, magkahiwalay kami ng kwarto pero hindi naman nagkakalayo dahil magkatapat lang.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang ilubog ko ang sarili ko sa tub na puno ng bula. I sighed like I've been so tired.

"I'm sorry, Jace. Nakaoff kasi phone ko kanina" hingi ko ng tawad nang maalala kong dapat pala akong tumawag. Halos alas onse na nang tumawag ako.

"Mommy, we were so worried..." Jace sounded a bit frustrated.

Umangat ang labi ko sa pinakita ng anak. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para paglaruan ang mga bula na nakapaligid sa katawan ko habang ang kanan ay nakahawak sa phone.

"I'm really sorry. Hindi sinasadya ni mommy..." panunuyo ko.

I heard him sighed. "Okay. Just don't turn off your phone so we won't be worried"

"Sure" I said. "Anyway, where are you?"

"Lola is teaching me how to water the plants, mommy. Is it okay if I finish this first?" he said, sounds like he's enjoying.

"Of course but mommy will be busy later. Texts will do. Kapag di na busy si mommy, tatawag ako..." I said.

"Okay, mommy"

Inubos ko ang oras ko sa pagbababad sa tub. Nakakarelax kasi. Iyong tipong sa buong araw kang nastress, mawawala kapag nakaligo. Pagkatapos ay lumabas ako tapis ng puting roba. I was about to get some clothes to wear when I heard a knock.

Lumapit ako at binuksan ang pinto. Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung bakit umusbong ang kaba sa dibdib ko. I looked away.

"I have a meeting at 2pm" he said huskily. Nakahawak siya sa hamba ng pintuan habang nakadungaw sa akin.

Sinipat ko siya at nagtaas lang ng kilay bilang tanong. I stared at his pouting lips and creasing brows.

"Get dressed. We're going to eat" tipid niyang sabi habang patuloy ang paninitig.

"Okay" malamig kong sabi. Hinawakan ko ang pintuan, naghahandang isara. "Alis na..."

His brow shot up. He renewed his poise and darkly stared at me. Looks like he don't want my last words. He effortlessly push the door and made his way inside. Napaatras ako sa ginawa niya, bahagyang nagulat. Humakbang siya at nilingon ang buong kwarto ko. He's crossing his arms when he decided to sit on my bed.

"Magbibihis ako. Bakit nandito ka?" may diin sa boses ko.

The bed looks so small because of his large frame. He's sitting there with legs apart. Ang maputi at malinis na kama ay nagmistulang anghel sa kabila ng pagiging marahas at madilim na kanyang ekspresyon.

"Ano naman kung nandito ako?" malalim ang kanyang boses na binahiran ng sensuwal na tono.

Umakyat ang init sa mukha ko at naramdaman ko ang biglaang pagpula ng pisngi ko.

"Excuse me? Kwarto ko ito" mas mariin kong sabi.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at umangat ang gilid ng labi niya. "Come
on, get dressed. I won't take a peek"

Pwede nang pagprituhan ang mukha ko sa sobrang init. Ramdam ko na rin ang pag usok ng tainga ko sa sinabi niya.

"Bastos!" I spatted before rummaging my clothes. Napatingin pa ako saglit sa tali ng roba ko. Making sure that the ribbon is tightened properly.

Chasing Again (La Suena Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon