Kabanata 48

2.6K 54 8
                                    

Kabanata 48

Wallpaper

Naidilat ko ang mga mata ko nang nakaramdam ng kaunting pagsikip sa hinihigaan ko. Bumaba rin ang tingin ko sa malaking braso na nakayakap sa tiyan ko. I had goosebumps when I felt a normal breathing on my nape. Sandali akong natulala at nag isip. Hindi ako gumalaw nang maisip kung sino ito.

"Hmm..."

Umagang umaga dinalaw agad ako ng sobra sobrang nerbyos. Hell! Ang luwag na sa kama nakikisiksik pa siya rito.

"Why did you slept here?" his sleepy voice sent shivers down my spine.

Pumikit ako at nagkunwaring natutulog pa. Sa sobrang lapit namin natatakot akong marinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko.

Naramdaman kong gumalaw siya. He tilted his head to see me a bit. Bumalik din siya sa naunang pwesto kaya naman ay naramdaman ko ulit ang paghinga niya sa batok ko.

"Come on..." aniya. "I know you're awake. Stop playing dead..." namamaos ang kanyang boses.

Bumangon ako pero hindi ako nakaalis dahil nakadagan ang kanyang binti sa mga paa ko. Nilingon ko siya at tinignan ng masama. He just stared at me blankly.

"Alisin mo ang paa mo" utos ko.

He pouted and closed his eyes again. "Let's sleep. Inaantok pa ako..."

Ang kabang nararamdaman ay napalitan ng iritasyon. "Aba! Kung inaantok ka, edi matulog ka. Alisin mo ang paa mo at bababa na ako"

He grabbed my arm and in a swift move, I fell beside him again. This time, facing him. Ang kaliwang kamay niya ay nasa ilalim ng unan ko at ang kabila ay niyayakap ako. Hindi rin niya inalis ang binti niyang nakadagan sa mga paa ko. Gosh. He's locking me and I feel so damn small!

Napatitig ako sa kanya. We were only few inches away. Kaunting galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya. Kanina pa nga lang na nakatalikod ako sa kanya grabe na ang nerbyos ko. Ano pa kayang kaharap ko na siya nang ganito kalapit? I'm so dead.

Thick black brows, long and dark eyelashes that made his eyes more expressive, perfect narrow nose, red lips, and perfect clenching jaw. His features can pass as a model. Pwedeng pangfacial wash or toothpaste commercial since maganda rin ang ngipin niya. Posible ring magmodel ng mga mamamahaling damit pero pakiramdam ko mas nababagay siya sa nagmomodel ng underwear. Tipong lantad ang matigas na dibdib at malalaking braso. He'll walk almost naked in front of many people.

Iniisip ko palang na maraming mahuhumaling sa kanya nagpupuyos na ako sa galit. Thinking about him modelling, wearing either a boxer shorts or expensive underwear would only ruin my day.

At kung bakit ko ito iniisip ay mas lalong nakapagpairita sa akin! I shouldn't think stuffs like these!

"Staring is rude, baby..."

Napabalikwas ako sa pwesto ko at kumurap. Ginapangan agad ako ng kahihiyan. Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko kaya naman ay iniwas ko ang tingin ko.

"But, I like it, anyway..."

Muli niya akong hinigit kaya napabalik ako sa kanya. Dumantay ang kaliwang kamay ko sa dibdib niya at mas lalong nag init ang mukha ko. Humigpit ang yakap niya at marahang pinatakan ng mababaw na halik ang noo ko.

"Hindi ako natulog dito kagabi"

Agad akong napalingon sa kanya. "Huh?"

"I went home" aniya. "May kinailangan akong asikasuhin"

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"RaInc...."

I glared at him. "Kailan ka bumalik dito?"

Chasing Again (La Suena Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon