Kabanata 39
Lunch
Early in the morning, we'll eat our breakfast. Take a bath, wear an office attire and then get ready to work. Syempre bago kami pumasok ay ihahatid pa namin si Jace sa kanyang school. My brows shot up as I stopped and stared at one thing. Kalalabas palang namin ng school pagkahatid namin kay Jace.
"Come on! Get in or we'll be late!"
I stiffened. Natulala ako sa kinatatayuan ko. I'm still trying to peocess everything. Mas lumapit pa siya sa bintana para makausap ako.
"Para kang nakakita ng multo" aniya. "Fucking get in..."
Muli kong pinasadahan ang itim niyang Honda saka ko ibinalik sa kanya ang mga tingin ko.
"Bumili ka ng sasakyan?" I asked as if it wasn't obvious.
She sighed in irritation. "Hindi ka talaga sasakay? Iiwan kita..." banta niya.
Tumikhim ako saka umiling. I opened the shotgun's door and slid inside. Tumahimik ako at nag isip. She started the engine and smiled like an idiot.
"When did you buy this?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe. "Nagsayang ka ng pera para dito?"
Isang beses niya kong nilingon at muling binalik sa kalsada ang mga mata.
"It's not a waste of money, Chandria. Well, hindi na kailangan mag abang pa ng taxi kung papasok..." she reasoned out.
"Mura lang ang pamasahe kaysa ang bumili ng sasakyan" giit ko.
I heard her chuckle. "As if it's your money that I used to buy this car..."
Sinapo ko ang noo ko. "Hindi ganoon ang pinupunto ko" I sighed. "What I'm trying to say is you can... Oh my God! Fine"
Natawa siya sa reaksyon ko. I can't just help it. Anyway, it's her money. Labas na ako doon.
"Kung gusto mo, magbayad ka rin sakin katulad sa taxi..." aniya habang pinipigilan ang tawa.
I eyed her suspisciously. Damn this woman.
"Kidding..." aniya.
Nilingon ko na lang ang bintana at hindi siya pinansin. Iginala ko na lang ang mga mata ko sa mga dumaraang sasakyan at ang pagliit ng mga nagtatayuang mga gusali.
"Bakit kanina hindi natin ginamit ang sasakyan mo pagkahatid kay Jace?" tanong ko pagkalingon ko.
"Kakakuha ko lang sa pinsan ko. Tinanong niya kung nasaan ako at doon niya ibaba ang sasakyan..." paliwanag niya.
"Did you buy this from your cousin?" I asked curiously.
She smiled. "No. Sa kaibigan niyang lalaki. Hiniram niya lang saglit dahil may pinuntahan siyang malapit doon"
Naging mabilis lang ang oras ng byahe at ngayon ay sumasakit na ang batok ko. I can't even felt my hands. Namamanhid na ang mga ito sa kakapindot ko sa keyboard. Tumingala ako saka ginalaw galaw ang ulo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Paulo na katrabaho ko.
I turned to him and forced a smile. "I'm fine..."
Niligpit niya nang mabilisan ang mga gamit niya at muli akong nilingon.
"Lunch break na. Hindi ka bababa?" he genuinely smiled.
I stretched my fingers and craned my neck. Itinuro ko ang monitor ko. "I still need to finish this one..."
"Work can wait. Hunger cannot" aniya. "I'll treat you..."
Muli akong umiling. "I'm fine, Pau. Really"
Tumatayo na siya ngayon at dinudungaw ako. "You sure?"
I nodded. "Yep. I'll eat after this-"
Pareho kaming natigilan nang tumunog ang mesa ko. Mabilis ko itong nilingon. It was a small paper bag.
"I bought her food. No need to treat her"
Raiden in his white buttoned longsleeve leaving the first three buttons opened. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa back rest ng swivel chair ko habang ang kabila naman ay nakapatong sa mesa ko. He was crouching a bit and I felt so small in this awkward position. Or it was just me? He looked very confident in his aura.
I swallowed the nervousness growing inside me. Pinanatili ko ang mga mata ko sa paper bag at hindi na gumalaw.
"Oh, Mr. Vasquez!" Paulo awkwardly laughed. "I see. I'll just eat alone. Excuse me..."
Pagkaalis ni Paulo ay mas lalong nabuhay ang kaba sa loob ko. Palihim kong iginala ang mga mata ko at natantong halos lahat ng mata ay nakatutok sa gawi namin. Some are murmuring. Some are just staring blankly or curiously.
"Does that boy always ask you to eat with him?"
Isang beses ko lang siya natignan dahil hindi ko yata kayang tagalan iyon. Bukod sa mapangmatang tingin ng mga tao sa paligid, nahihiya rin ako. Bakit ba kasi bigla na lang itong pumupunta rito?
And based on his looks, he didn't seem to notice the judgment in these people's stares.
"S-sometimes..." sagot ko.
Hindi siya sumagot at tumayo siya nang tuwid. He crossed his arms and that made me shiver. The sleeves of his clothes is hugging tightly his muscular arms. Kitang kita ang paggalaw ng kanyang malalaking muscle dahil sa ginawa.
"Eat..." utos niya.
Gusto kong magmura dahil pakiramdam ko nagiging alipin ako nang walang kaalam alam.
"What brought you here?" I whispered, scared that someone might hear us.
Dumako ang mga mata ko sa mga nagtatayuan at naglalabasang mga empleyedo para kumain. Ang iba pag nasasalubong si Raiden ay bahagyang yumuyuko bilang paggalang. Ang iba naman ay nagsasalita para bumati. Raiden would only smile a bit or nod.
Nilingon ko si Monica na ngayon ay tumatayo na rin at hindi naaalis ang mapanuring tingin sa akin. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa lalaking nakatayo na nasa gilid ko.
"Good noon, Mr. Vasquez..." bati niya nang medyo nakalapit.
Nilingon siya ni Raiden saka ngumiti at bahagyang tumango. Not saying even just one word.
"Uh, excuse me..." mahinang sabi ni Monica at isang beses akong tinignan bago nagmadaling umalis doon.
I used to eat with her. Inisip ko tuloy kung sino ang kasabay niya ngayon. Saglit akong pumikit. As if namang hindi siya makakakain nang hindi ako kasabay.
Ngayon, nanlumo ako. Sana ipinilit na lang niya na magsabay kami nang makaalis naman ako dito. Hindi ko na kakayanin. Sobra sobrang kaba na ang nararamdaman ko.
He crouched again. Holding on the back rest of my chair and the other one is on my table. Just like his position a while ago. I stiffened on my seat. Isang galaw ko lang didikit ang tungki ng ilong niya sa pisngi ko.
"I said eat..." mariin niyang sabi. I felt his air on my right cheek. "O gusto mo pang subuan kita?"
Sa sobrang lakas ng pintig ng puso pakiramdam ko naririnig na niya. Na kahit paghinga ko ikinakahiya ko nang gawin dahil iniisip kong isipin niyang naaapektuhan ako nang sobra sa ginagawa niya.
Mabilis kong dinampot ang paper bag at binuksan iyon. Mayroong inumin at mamahaling pagkain. Sakto lang ito para sa tanghalian ko.
"Kakain na ako" I said coldly. "Pwede ka nang umalis. Salamat dito"
Kita ko ang pag angat ng labi niya kahit na abala ako sa pagbubukas ng pagkain. Something is funny for him when I don't see any hint of it.
"Is that how you say thank you?" aniya.
I turned to his face. "Sabi ko nga salamat e!"
Bahagya akong nagsisi sa ginawa ko. Medyo napalakas ang boses ko roon na ang iilang empleyado ay lumingon.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" mariin kong bulong nang mabuksan ang pagkain.
"Don't starve yourself. Skipping meals because of work is not good" baritono ang kanyang boses saka ako iniwang tulala roon.
BINABASA MO ANG
Chasing Again (La Suena Series 2)
Любовные романыMaria Chandria Valdemore is not your typical happy go lucky girl- in the outside. But the truth is she got betrayed by her parents, she lost her friends, halos pagsuklaban na siya ng langit at lupa, despite that she has the kindest heart. Pero bago...