Kabanata 46

2.4K 45 2
                                    

Kabanata 46

Kiss

I was sitting on his large bed while leaning against its headboard. The comforting white blanket is covering half of me. Malakas ang ulan at nang binuksan kanina ang tv ay nabalita ngang may paparating na bagyo. Naisip ko tuloy ang mga plano namin bukas. Sayang talaga kung hindi matutuloy.

I glanced at him sitting on his chair while facing his laptop. May tinatrabaho siya ngayon at isa na roon ang malaking proyekto na involve ang kompanyang pinapasukan ko. I'm sure they were talking about the project. Hindi ko nga lang alam kung anong pumasok sa utak ni Warren at hinayaan akong sumama rito.

Lips in a grim line, dark and serious eyes, brows furrowed and a bit clenched jaw. Seryosong nakatitig sa kanyang laptop at may kung anong pinpindot doon. He's wearing a black shorts and plain white shirt. Imagine having a husband like him. Kahit sa bahay ay nagtatrabaho. Idagdag pa ang gwapong mukha.

Mabilis akong nag iwas ng tingin nang matantong nakatitig na siya sa akin habang kunot ang noo. Nagtataka sa paninitig ko sa kanya.

"You're not yet sleepy?"

Kabado man ay binalingan ko siya at umiling. "I-Ikaw? Matagal ka d-diyan?"

I swallowed the lump in my throat. Hindi ko alam kung bakit ko itinanong iyon. Baka akalain niya hinihintay ko siya.

Nakita ko ang pagnguso niya tila pinipigilang ngumiti dahil sa tanong ko. Nagsisi tuloy akong tinanong ko iyon. Gusto kong bawiin.

"Hmm..." aniya. "It won't take a long time but you need to sleep now..."

Tumango ako at marahang gumalaw para mahiga sa kanyang kama. I faced the left side just so I couldn't see him. Baka lalong hindi ako dalawin ng antok kakatingin sa kanya. Ilang minuto akong nanatiling ganoon ang posisyon pero wala pa ring nangyayari. Dahan dahan akong tumagilid. I simply took a peek to see what he is doing.

I almost jumped when he lifted his face from his laptop. Tinagilid ang ulo niya.

"Can't sleep?" tanong niya sa nahahapong tono. Siguro pagod na sa buong araw at ngayon ay mayroon pa soyang dapat asikasuhin.

Tumayo siya at sinarado ang laptop. Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang maglakad siya papunta sa kama. Lumunok ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. Natatakot na mapansing tensyonado ako.

Umupo siya sa gilid ng kama habang nakadungaw sa akin. Tumingin din ako sa kanya para malaman niyang hindi ako naiilang sa presensya niya.

"Uh... tapos ka na?" halos bulong na lang iyon dahil sa nahihiya ako.

Saglit pa siyang tumitig. "Yes"

"Anong s-sabi ni Warren?" pag iiba ko ng tanong dahil baka ikamatay ko ang katahimikan habang nakikipagtitigan siya.

"Nothing. Just about the project" tipid niyang sagot.

Awkward akong tumango at mabilis na umusog pa nang nakitang naghahanda na siya sa pagtulog. Alam kong malaki naman ang kama at may posibilidad na hindi kami magkadikit pero natatakot ako na maglapit kami. That's why I remained distant.

Umuga ang kama dahil sa ginawa niya. Tumagilid ulit ako sa kaliwang bahagi ng kama para hindi ko siya makita. My breathing hitched when I felt his right arm rested on my stomach. Pati ang paghinga niya ay ramdam ko sa batok ko. Nagsimulang magtayuan ang mga balahibo ko sa ayos namin. I dared not to move. Pumikit ako at nagkunwaring natutulog.

"Wish we could stay like this forever..."

Parang may punyal na tumama sa puso ko nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko nagdugo ang tainga ko pagkarinig doon. Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko.

Chasing Again (La Suena Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon