-GREY'S POV-
Sa paghinto ng tren, agad nagsilabasan ang mga pasahero. Tumayo ako at lumabas din ng tren. I'm amused sa iba't-ibang senaryo na nangyayari dito sa train station ng main city ng Japan.
Walking distance lang ang condo na tinutuluyan ko dito kay no need na para sumakay ng taxi. Nakatayo ako sa labas ng train station at tanaw na tanaw ko na ang aking condominium. Pero bakit... sobrang ginaw?
"Hoy!" napatigil ako sa paglalakad ng may biglang sumigaw sa likuran ko. Agad akong napapikit. Boses palang kilalang kilala ko na talaga kung sino. Nagpatuloy ako sa paglalakad kasi sinasayang niya lang ang oras ko.
"Hoy sabi!" agad naman akong napahinto at napangisi ako ng bigla siyang bumangga sa likuran ko.
"Ay putanginang lalaki! Ba't ka ba tumitigil agad?" reklamo niya. Napatingin naman ako sa kanya. Ba't ba lagi itong nakasigaw?
"What do you need?" mahinahon kong tanong. Tumaas naman ang kilay ko nung tumaas din ang kilay niya at agad namaywang.
"Yung coat mo. Di mo ba kukunin?" mataray niyang tanong. Yan lang ba ang kailangan niya?
"No. It's all yours." Sabi ko at tumalikod. Ilang milya nalang at condo ko kaya nilakihan ko na ang aking hakbang.
"Wait lang! Wait lang!" Napatigil na naman ako at napapikit sa inis.
"Yes?" sabi ko na hindi siya tinitingnan. Kakain pa ako. Ginugutom ako ng babaeng ito, kainis.
"Yung coat mo isasauli ko -" agad ko siyang hinarap at ang babae ni hindi lang man nagulat o nabahidan ng takot.
"I said it's already yours. Please -"
"Ano kasi. I need a temporary shelter, hehe." Napatigil ako at napatingin sakanya. What?! "and I'm hungry."
---
"Mukha ka namang mayaman." Sabi ko sakanya sabay subo ng kanin. Napasulyap ako sa kanya at nahagip ko ang pagngisi niya.
"Si Angelo ang mayaman, hindi ako." walang sulyap niyang saad. Sunod sunod ang subo niya na akala mo wala nang bukas.
Nandito kami sa kusina ng condo ko. Oo, andito siya sa condo ko kasi cargo de konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa babaeng ito. Dito muna siya habang maghahanap ako ng available na room sa hotel na di rin kalayuan dito.
"Ba't di ka tumawag sa Angelo na iyan?" sabi ko sakanya. Napatigil naman siya pagsubo ng sushi. Tiningnan niya ako na para bang may nasabi akong mali.
Napapikit ako ng bigla niyang binitawan ang chopsticks niya. Masakit sa tenga ang ginawang ingay ng kaniyang ginawa since metal gamit niya.
"Wait." Agad naman siyang tumayo at may kinuha siya sa kanyang mini bag. Cellphone.
"You can call ----" nanlaki ang mata ko ng bigla niyang tinapon sa dingding ang cellphone niya. Basag na basag ito at imposibleng marerevive pa. Kumalat din ang mga piyesa sa sahig at kinakailngang linisin ng maayos kasi may mga bubog. WTH! Ano bang pinaggagawa ng babaeng to?!
"Sorry I can't." she shrugged at agad pinulot ang chopsticks niya at bumalik sa pagkain.
Dahan dahan akong napatingin sa kanya na hindi parin makapaniwala. "Did you just throw your phone?"
"Yep" sabi niya na parang wala lang sakanya.
"Look Aleyji. I'm a busy person and I really can't help you with your problems. You are making problems for yourself." Mahinahon kong sabi. Napatigil naman siya at agad na napatingin sa akin.
"How the fuck did you know my name?" bigla niyang sabi. Napangisi naman ako sakanya. Hindi niya ata aware na masyadong malaki ang letters ng name na nakakatatak sa suot-suot niyang ID. Ewan ko talaga sa babaeng to.
"Aleyji Hera Winston is a pretty nice name." tuya ko sa kanya. Well, it's basically true. It's actually a nice name.
"Fuck You." Sabi niya at biglang tumayo. Kay pikon naman ng babaeng ito.
Agad siyang pumunta sa malaking kama na katabi lang din ng kama ko. Hotel styled siya na condo unit at wala siyang doors separating the 2 bedrooms. That's why.
Napabuntonghininga ako at agad tinapos ang natira pang pagkain. Ni hindi nga niligpit ng babae ang kanyang pinagkainan.
Matapos kong malinis lahat ay agad akong lumapit sa kama ko at napa-upo. Napatingin ako sakanya at ang babae, hindi pa pala natutulog.
"Sorry na. I just saw your name in your ID you're wearing." Mahina kong sabi. Tiningnan ko siya at ganun parin ang kanyang posisyon. Ano ba ito.
"I want milk." Bigla niyang sabi at umayos ng higa. She wants what?
I don't fucking drink milks, wala akong stock ng gatas dito!
"But-" aangal sana ako ng bigla siyang patalikod na humiga sa akin. Fakshet.
"W-wait. I'll just buy downstairs."
Agad akong tumayo at kumuha ng pera. May malapit na 7/11 dito kaya dun ako tumungo. Dalawang pack ng fresh milk ang kinuha ko. Binayaran ko agad sa counter at palabas na sana ako ng may mahagip ako.
5 pieces of flowercrowns for 10 dollars. Pretty expensive pero I already imagined that girl wearing these stuffs. Ahm, these would be a nice peace offering, I guess.
I grabbed the pack of flowercrowns and binayaran ito. I arrived at the room witnessing Aleyji talking to herself. Napatingin naman siya sa akin at biglang sumimangot.
"I am so thirstyyyy." She whined at agad na nilahad ang kanyang kamay. Napa-iling naman ako at lumapit sa kanya. Nilabas ko ang isang 500ml na Fresh Milk at binigay sa kanya. Nagpasalamat siya at nilagay ko agad sa ref ang isa pang fresh milk.
"What's that?" tanong niya at napatingin naman ako sa kanyang tinutukoy. Ang flowercrowns.
"I-I bought some flowercrowns that I think is pretty good for you? Ahm, peace offering?" nahihiya kong sabi.
Oo, sobrang babaw lang ng kanyang ikinagalit pero I am not comfortable pag may nagagalit na tao sa akin. Knowing someone's life stalking or envading privacy for her, I think. That's why she's acting like that. I understand her.
"I don't fucking wear flowercrowns boy but thanks." Sabi niya. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sa reaksyon niya ng suotin niya ang isang flowercrown. She's amazed, I see. Flowercrowns suits her well.
"Ba't bet ko suotin to? Hala, ba't di ko knows bagay sa akin ang ganito?" tuloy-tuloy niyang sabi.
Tiningnan ko ang kabuuan niya. Suot-suot niya ang white t-shirt ko na hindi ko na masyadong ginagamit at shorts and undies na nakareserve sana sa kapatid kong babae kapag bibisita siya dito. Nakalugay ang buhok niya and she's wearing the flowercrown, the red one.
She's actually beautiful but-
She is fucking looking at me with her amused face.
"Thank you boi!" sabi niya at agad siyang humiga at nagtalukbong.
Huh?
Are we okay now?
Pinatawad niya na ba ako?
Ok na ba kami? Tinagalog lang?