GREY'S POV
Today is our Fourth Day here in Nagoya. As usual, mas nauna siyang magbihis tas ako sumusunod. Hindi parin nawawala ang pagnanasa niya sa chef kaya pinabayaan ko nalang. Sulitin nalang niya't last day na namin dito bukas.
Kadarating lang namin dito sa Port of Nagoya. Located siya sa Ise Bay and additional info, this is the largest and busiest trading Port ng Japan where ito rin ang largest exporter ng cars in Japan where again the Toyota Motor Corp exports most of its cars.
Halatang Port 'no so alam niyo na kung anong meron dito but iba yung pinunta namin. Ang Public Aquarium. Halata ding Aquarium kaya may mga Aquatic kemes ang nandito.
"Nakapunta na ako ng Oceans Park pero, Aboi! Ang laki naman masyado dito!" sabi ng katabi ko habang niyuyug-yog ang braso ko. Nag 'yes' lang ako at nagpatuloy sa pagkuha ng pics sa iba't-ibang Aquatic animals habang ang isa naman ay manghang-manghang naka tingin sa mga nadaanan namin.
Medyo hindi nga ako komportableng mag-adjust sa lens or pagkumuha talaga ng shots kasi may kharana bhayraz na nakadikit sa braso ko. Pinabayaan ko nalang din at baka maligaw ito, iniwan pa naman niya ang phone sa sasakyan kasi lowbat. Ewan ko nalang.
"OMG! Ang cute ng dolphins!" talon-talon siyang pumunta sa isang malaking glass kung saan nakikita ang dolphins na lumalangoy. Hindi sila karamihan na hindi nga ata lumagpas ng lima.
"Oo, kamukha mo sila." Ani ko habang inaayos ang dala-dala kong bag. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi.
"so sinasabi mong cute ako?" ngiting-ngiti pa siya. Humarap din ako sakanya ang ngumiti.
"Bakit? Dolphin ka 'ba?" inis ko sakanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya, aba'y di ako papatalo ano.
"Eh, sabi mo kamukha ko sila?" mataray niyang saad.
"Oo nga. Ngumuso ka bilis." at umakto akong kukunan siya ng picture pero iba ang nakacapture ko. Biglang kasing tumaas ang kaniyang kamay and as usual showing her middle finger. Halos araw-araw ata ako nakakatanggap ng ganito ah. "Chill, baka ma stress flowercrown mo." At tumawa ako.
Inirapan niya lang ako. Nakangisi akong tumalikod at naunang naglakad. Ngayon ay hindi na siya kumapit sa braso ko kaya binagalan ko ang paglalakad at nilingon siya. Nakasunod parin siya sa akin pero nanatiling nakatingin sa iba't ibang specie nadadaraanan namin.
"Wag kang lingon nang lingon. Baka mawala ka." Di pa naman katangkadan ang babaitang ito kaya di agad mahanap kung sakali mang maligaw nga.
Napatigil ako ng bahagya nang may kumapit sa tshirt ko pero nagpatuloy din naman nang ma realize kong ang babae pala ito. Cute.
Halos dalawang oras naming nalibot ang lugar kasi tumitigil din kami para magpicture sa kung ano-ano. Ang babae naman ngayon, reklamo ng reklamo kasi nagugutom na siya tas si Kuya Darwin ay hindi pa dumadating.
Ngayon kasi, half-day lang ang tour namin kasi mag-eempake na ulit kami mamayang hapon coz road to Hiroshima kami for 5 days again but before that, stay muna kami ng isang araw sa Kyoto at dalawang araw sa Osaka bago dumiretso sa Hiroshima.
Pagdating ni Kuya Darwin ay nakabusangot na sumakay ang babaita. Kahit nasa byahe kami ay walang tigil ang pagso-sorry ni Kuya Darwin kasi nakatulog siya kaya natagalan. Ang babaita naman ay attitude masyado at ni hindi man lang pinansin si Kuya Darwin, hindi man lang tinablan ng kahihiyan.
"Tumigil ka na Kuya Darwin. Pabayaan mo 'yan, minsan tinotopak po pero okay lang po talaga siya." Pagpapakalma ko. Tumigil rin si Kuya Darwin at nginitian niya pa ako ng magkatinginan kami sa rear view mirror.