Chapter Four

4 0 0
                                    

GREY'S POV

--Days After--

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumumla sa kusina. Napatingin ako sa side clock and it's already 6:15 am. Alas siyete ako usually nagigising pero napa-aga dahil sa nakaka-inis na ingay na ito.

Bumaba ako ng kama at inayos ang higaan. Napahikab pa ako bago tumingin sa may kusina. Kitang-kita ko ang babae na hirap na hirap sa pagluluto ng itlog. Babaeng babae pero hindi marunong magluto, mayaman eh.

Napansin niya ata na gising na ako kaya sinulyapan niya ako.

"Hoy tangina, tulungan mo ako!" bungad niya at halatang hirap na hirap sa pinanggagawa. Hindi kalayuan ang mga kama sa kusina kaya kitang-kita ang maliliit na butil ng pawis niya. How saad naman nitong babaeng 'to.

Natatawa akong lumapit sa kanya. "Manood ka nalang muna doon, ako na dito. Baka masunog ang building na 'to dahil lang sa'yo." Pagtataboy ko sa kanya.

Itlog lang naman pala ang kaniyang niluluto, ba't maraming klase ng pagkain naaamoy ko? Masyado na ba akong gutom?

Agad kong inayos ang niluluto niyang itlog. Napa-iling ako ng may mga eggshells pa sa niluluto niya. Matapos maluto ay inihain ko agad ito.

"Maghanda ka na ng kanin babae." Utos ko sa kaniya. Napasulyap pa ako ulit sa sala ng hindi ko siya makita. Tiningnan ko rin ang kama niya at wala din siya doon. NagCR ata.

Napatigil ako sa paglapag ng pagkain sa mesa. Bakit may mga plato dito? Isa-isa kong kinuha ang mga nakatakip sa mga plato at hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko. What the?

"Dami no?" napalingon ako sa likuran ko. Andun ang babae sa counter, nakasandal at parang tuwang-tuwa sa kaniyang nakikita. "Sunny Side Up lang ang hindi ko masyadong bet lutuin pero I can cook naman." Ani niya at ngumisi.

"H-how...?" di ako alam ang sasabihin ko. Napatingin ulit ako sa mesa. "Filipino dishes lahat ito. Ano ... Saan ka kumuha ng mga ingredients?" nalilito kong tanong sa kaniya.

Tumungo siya sa mesa at agad umupo. Inabotan niya pa ako ng kutsara at tinidor.

"Ever heard of the Largest Asian Store katabi ng katabi ng fucking building na ito?" saad niya. "Kain na tayo." At agad siyang nag sign of the cross. Waw, maka-Diyos pala ang babaeng ito sa kabila ng kaniyang dala-dala na mga mura.

Nagsign of the cross rin ako at nagpray. Matapos magpasalamat ay kumain na agad ako. Tatlong uri ng Filipino food ang niluto niya at isa dito ay ang sinigang na baboy. Hindi man halata pero ang pagkaing ito ay paborito ko lalong-lalo na kung nilulutuan ako ni Lola sa probinsya.

Ang adobong baboy ang kaniyang sinungkaban kaya ang sinigang ang aking inuna. Kinuha koa ng kutsara at tinikman ito.

"Masarap?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya at agad tumikim ulit sa sabaw nito. Tiningnan ko naman ulit siya.

"Kakain ka nito? Pwede bang ubusin ko nalang?" nahihiya kong sabi. Kasi ang sarap masyado. Si lola k aba?!

Bahagya naman siyang tumawa. "Yes, ofcourse. Hindi rin naman ako kumakain ng Sinigang, buti at gusto mo kundi walang kakain niyan." Sabi niya at sumubo. Naglagay ako ng maraming sabaw sa kanin ko at kumain din agad.

"Paborito mo?" tanong niya ulit. Sumulyap ako sa kaniya at tumango bago nagpatuloy sa pagkain.

"Ang galing ko talaga." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Grabe ang self love ng babaeng to, di ko ma reach.

LOST (our hearts) IN JAPANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon