-GREY's POV-
Nagulantang ako sa lakas ng alarm ko. Pipikit sana ako ulit ng maalala kong may kasama pala ako sa bahay.
Labag man sa kalooban ko ay tumayo ako. Inayos ko muna ang higaan ko bago pumuntang kusina.
Aba'y nasaan ba ang babaeng iyon? Ba't ang linis na ng kama niya? Wala rin siya sa sala at kusina. Sa'n ba nagsusuot iyon?
Lumapit ako sa mesa at may nakahanda nang pagkain doon. May sulat na nakalagay sa gilid nang pagkain kaya kinuha ko ito.
"I'll be back! -Aleyji"
Umalis siya?
----
"Good morning, brad!" nginitian ko si Brackley. Umupo ako sa harapan niya. Si Brackley, kasama ko sa journalism at tropa ko.
"Morning. Sa'n next destination natin?" tanong ko sakanya. Bigla naman siyang umayos sa pag-upo at uminom ng bili niyang kape.
"Sorry brad. Sabi kasi ng EIC ay uuna ako ng uwi sa Pilipinas, eh. Tapos ko naman ang articles na naka-assign sa akin. Pictures nalang pang support sa articles ang kulang." saad niya. Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ba ito?
"You can send your articles through e-mail, Brack. You don't need to personally send it to Philippines." angal ko sakanya. Tiningnan niya rin ako at biglang nalungkot.
"Inatake si mama, Grey. May pasok ang kapatid ko, walang magbabantay." yumuko siya at inubos ang kanyang inumin.
"Sorry to hear that. Well I guess, ako nalang mag-isa ang mag-iikot sa tourist destinations na sinulat mo." Pakalma ko sakanya. Ngintian naman niya ako.
I am the main Photojournalist sa isang famous na kompanya sa Pilipinas kung saan nag re-release ng book about beautiful tourist sites sa buong mundo. That's why I'm here sa Japan for 2 months para gawin ang trabaho ko. I need to take some photos for Brackley's articles and para narin to enjoy my life.
"Pwede ka namang magpasama sa kaibigan mo." Bigla niyang sabi. Napatigil naman ako sa pag-inom at napatingin sa kanya. Kaibigan?
"Kaibigan mo iyong babae sa condo mo diba?" nagtataka niyang tanong.
"Ba't mo alam na may kasama ako sa condo?" nainis ako sa kanyang naging reaksyon. Ngumisi ang gago at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape.
"Pumunta ako kaninang madaling araw sa condo mo. Aba'y yung gulat ko abot hanggang langit nang babae ang nagbukas ng pinto. Ikaw ha, may binabahay ka na pala. Infairness maganda, ah! Tsaka tagalog din." tuloy tuloy niyang sabi. Si Aleyji ang nagbukas sa kanya? Maaga ba siyang nagisinig?
"Anong oras ka pumunta?" inubos niya agad ang kaniyang inumin. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
"Bandang alas kuwatro iyon. Yung babae mo pinagbuksan nga ako, pina-alis naman ako ka-agad. Yung pormahan nga niya parang pa-alis din eh. Away kayo?" itong lalaking to, daig pa ang babae sa dami ng sinasabi.
Tumayo ako at nagpa-alam. "I have to go. Aasikasuhin ko pa ang reservation ng hotels na magiging tuluyan ko." pagpapa-alam ko kay Brackley. I have something to do pa at baka matagalan ako dahil sa lalaking ito.
"Asus, sabihin mo lang, hahanapin mo ang babae mo." Sabi niya sabay kuha nang laptop niya. Dito niya sa café tatapusin ang article niya eh. Sosyal na writer.
"Gago" at umalis ako sa harapan niya. Tss, di koi yon babae 'no.
Umuwi agad ako sa condo at agad nag-online. Ililista ko muna ang mga lugar na napuntahan ni Brackley at maghahanap ako ng hotel na tutuluyan ko sa mga lugar na iyon.