GREY'S POV
"Aboi! Aboi! Picturan mo ako dito daliii!" napalingon naman ako ng sumigaw NA NAMAN siya. Bagot na lumapit ako sa kanya at kinuhanan siya ng litrato. Tuwang-tuwa pa siya ng maganda ang pagkakakuha non. Malamang, Photographer ang kasama niya. Minsan, di talaga nag-iisip ang babaeng ito.
"Tigilan mo ako. Latest na Iphone ang dala-dala mo, ba't di ka nalang magselfie jan." sabi ko sakanya at bumalik ulit sa spot na kinakailangan kuhanan ng litrato.
Andito kami ngayon Atsuta Shrine. Ito ang aming first destination at di ko inakalang ganito din pala kaganda ang lugar na ito sa personal. Manghang-mangha pa ang babae pagdating naming dito at parang na fully charged ang hyper battery niya.
Umalis si Kuya Darwin matapos niya kaming ihatid dito. Whole day kasi kami dito at susunduin niya kami 5pm. Isang araw, isang destination kasi kami. Susulitin ko sana ang panahon dito, kaso may babaeng sumabit sa mga plano ko.
Napatingin naman ako sa kanya. Manghang-mangha ang kaniyang mukha na nakatingin sa sacred gate. Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
Sa hindi malamang dahilan, kinuhanan ko siya ng litrato na hindi niya nalalaman. Umabot pa ng limang shots pago ako tumigil at lumapit sa kaniya. Nagugutom na kasi ako.
"Hoy babae. Kain na tayo." Bungad ko sa kanya. Sinulyapan niya ako bago binalik ang tingin sa sacred gate.
"Sa anime ko lang nakikita ang mga ganitong gate. Jusko nasa harapan ko na, Aboi." Matapos niyang sabihin iyon ay impit siyang tumili.
"Tuwang-tuwa ka na niyan. Halika na, kain na tayo sabi." Sabi ko sakanya at naunang maglakad. Naghanap kami ng malapit na restaurant at kumain doon. Nagpalipas muna kami ng isang oras bago bumalik sa Atsuto Shrine at sa loob na kami mag-iikot.
"Tignan mo, ang coooool!" napangiti naman ako ng tuwang-tuwa niyang tinuro ang artifact na nakita. Nang mapatingin siya ay inalis ko agad ang ngiti ko sa mukha ko at umaktong tumingin din sa kaniyang tinuturo.
"Cool ang lahat sa iyo." Ani ko sabay lapit sa kaniya. Kinunan ko siya ng litrato gaya ng gusto niya kahit hindi na niya ako inutusan. Minsan, pinagtitingnan kami ng ibang turista dahil sa ingay at kulit niya.
Nauna siyang mag-ikot-ikot at nakasunod lang ako parati sa kaniya. Ang dami-dami niyang sinasabi sa isang bagay na 'cool' para sa kaniya.
Dumaan ang ilang oras at tapos na kami sa pag-iikot. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang bumili ng makakain habang nag-iikot kami pero parang hindi manlang siya nabubusog.
Nakaupo kami sa bench sa labas ilang metro mula sa tourist spot at hinihintay si Kuya Darwin para sunduin kami. Habang naka-upo ay naglilikot pa rin ang babae at parang may gustong gawin pero pinipigilan niya.
"What?" tanong ko sakanya. Napatigil naman siya at napatingin sa akin. Bumuka ang bibig niya at pero tinikom niya ito ulit. Parang na-iinis siyang napakamot sa kaniyang mukha at bumuntung-hininga.
"Are you ok?" tanong ko ulit sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at nag 'hehe'. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Ano kasi... pwede bang...pwede bang –"
"Magpicture tayo?" hula ko sa sasabihin niya. Makapal man kung makapal pero nahahalata koi yon. Dahil narin sa nahihiya siya ay ngumisi pa ako para mas lalo pa siyang ma-inis.
"Ang kapal ah!" bwelta niya pero tumahimik rin naman siya. "Pero pwede ba?" dagdag niya.
Napatingin siya sa akin ng tumawa ako.
"Hindi ko alam na may hiya ka rin pala. For over two weeks nating pagsasama, nahihiya ka sa pagpapapicture?" inis ko sakanya. Tiningnan naman niya ako at ngayon ay parang wala na sa kaniya.