GREY'S POV
Nagising ako ng 2pm dahil na rin sa sunod-sunod na tawag ni Kuya Darwin. I opened my messaging app at nakita ko ang text ni Kuya saying na 7pm pa kami aalis due to some mechanical problems sa kaniyang car which is pumayag nalang din ako kasi malapit lang rin naman ang Kyoto and mas importanteng safe ang biyahe namin.
The girl is already awake na rin and playing mobile legends sa kaniyang phone at isa rin iyong dahilan kung bakit ako nagising kasi sa lakas ng pagmumura at pangta-trashtalk niya sa kaniyang mga kalaban. Pinabayaan ko nalang.
Nasasanay na ako sa pagmumura niya sa harapan ko na first time ko rin ma encounter kasi masama talaga ang pagmumura. Pero hindi naman lahat nang nag-mumura ay masama at hindi lahat ng mabait ay walang demonyong ugali sa kaloob-looban. Mas mabuti na nga iyong vocal at pinapakita talaga ang true personality kesa sa mahinhin pero mas masahol pa pala sa mamamatay tao ang ugali. Just sayin' Pero pwede naman rin kasing hindi magmura diba? Ay ewan ko.
Nagdadalawang isip pa ako kung matutulog ba ulit or magsurf online, pero nawala rin naman iyon dahil may gust0ng makipag-video call. Ang magaling kong kapatid.
She's seven years younger than me pero ewan ko 'jan. Mukhang pato.
I pressed the answer button at bumungad naman agad ang pangit niyang pagmumukha.
"Hi kuyaaaa!" masigla niyang saad. Nakita ko ring napasulyap si Aleiji habang naglalaro pa rin. Sumunod doon ang tunog na "Victory!" at binaba niya ang phone niya.
Ngumiti naman ako sa kapatid ko. Kahit pangit to, mahal ko 'to ano. Ew.
"Hi ka 'jan. Anong trip mo?" at ngumisi ako. Medyo pikunin din ang batang ito tulad ng babaeng kasama ko.
"Waw, akala mo naman kung sinong gwapong traveler." At inikutan niya ako ng mata. Natawa naman ako.
"Gwapo talaga." pagyayabang ko. "Anong gusto mo?"
Pero mukhang wala ata akong kausap kasi nakatingin lang siya sa likuran ko. Edi tumingin rin ako. Ang kasamang babae ko lang naman ang nandoon na naka-upo't nakatingin ulit sa cellphone.
"Siya yung babaeng pinost mo diba? Magkasama pala kayo nang room? SANAOL!" sinamaan ko naman siya nang tingin. Pinagsasabi nito?
"Ah, wag mong pansinin 'yan. Pangit din 'yan katulad mo." Pagda-divert ko sa usapan at baka ma –issue ako ng kapatid ko't magsumbong pa sa maganda kong lola.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Tawagin mo dali! Tawagin mo." utos niya.
"Oy!" pagtatawag pansin ko sa kasama ko. Tumingin naman siya sa akin bago tumingin sa laptop ko kung saan nagvi-video call bago bumalik ulit ang tingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. "May pangit na gusto kang makita."
Kinunotan niya pa ako ng noo bago nilapag ang cellphone sa kama at naglakad palapit. Umupo siya sa tabi ko.
"Hi, bata." Bungad niya. Mukhang aliw na aliw naman ang mukha ng kapatid ko nung binati siya.
Kumaway pa ang kapatid ko sakanya. "Hi, tanda." Sagot niya. Bahagya naman akong natawa.
"Aba't gaga pala 'to." react niya bigla at tinuro pa ang kapatid ko na ngayon ay natawa. Ako naman ay nagulat sa kaniyang sinabi.
"Your words, woman!"pagbabanta ko sakanya. Madalas kaming nag-aaway ng kapatid ko pero never in my life na may lumabas na bad words sa bibig ko na kaharap siya. Jusko, tama bang mag-usap ang dalawang to?
Hindi niya ako pinansin at nanatiling masama ang tingin sa kapatid kong aliw na aliw naman sakanya.
Tumigil din naman sa kakatawa ang kapatid ko at mas lalong nilapit ang mukha sa camera kaya mas naging malinaw ang pangit niyang pagmumukha.