ALEYJI's
I'm currently standing here sa gitna ng tren papuntang Tokyo. Ok na sana eh, pero ramdam na ramdam ko lahat ng hinanakit ng mga taong pumapaligid sa akin. Akala ko sa Pilipinas lang ang ganito and akala ko lang pala iyon.
Malamig dito sa Japan kahit katatapos lang ng Pasko. Naiinis ako sa nalalanghap ko, sa sikip, at sa init na nadarama ko at higit sa lahat ... hindi ako manhid para hindi maramdaman ang pasimpleng hipo ng dalawang matandang lalaki sa pwetan ko. Putanginang mga pedo, mga malilibog na walang magawa sa buhay.
Kung bakit ba naman ako dinala ni Angelo sa bansang ito tapos palalayasin lang naman pala ako sa kumpanya. Tanginang, tao. Anong kamuwang-muwang ko dito sa Japan? Bwiset!
Nararamdaman ko nanaman ang paghipo ng matanda kaya di na ako nakapagpigil.
"Please stop it!" gigil ko sakanya. Halatang nabigla ang iba sa pagsigaw ko pero agad rin naman nilang binalewala. Tangina?
"W-w-hat?" na-uutal na sabi ng matanda. Di lang pala bastos ang isang to, bingi rin pala.
"I'm visiting this country peacefully, so could you please stop what the heck you're planning to do!"
Halatang natakot naman ang matanda at biglang nakikisik-sik sa likuran niya para maka-alis sa harapan ko. Nakasunod sa kanya ang kasama niyang matandang bastos rin at halatang natakot rin. Aba, mabuti naman at nakakaintindi ng English ang mga iyon.
Dahil sa irita, napatingin nalang ako sa bintana na kaharap ko. Pero imbes na tanawin ang makikita ko, ang lalaking naka-itim na naka-upo sa harapan ko ang nakakuha ng atensyon ko.
Bagot na bagot itong nakatingin sa akin pero makikita mo ang mangha sa mga mata niya. Infairness, iba ang beauty niya kung ikukumpara sa iba, pero may piercing siya sa labi.
"Anong tinitingin-tingin mo? Manyak ka rin?" sabi ko sakanya. Mukhang pinaghalong hapon at western, eh.
Hindi ko na sana siya papansinin ng maramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Aba'y manyak pa talaga ito!
Kalaunay napangisi ito na siyang ikinabigla ko. Pero ang mas ikinabigla ko ay ang hindi ko inaasahang pagsagot niya...
"Nope." Nakangisi niyang sabi. "Sorry, pero hindi ako pumapatol ng bata."
Wtf?
-----
GREY's
Kanina pa likot ng likot ang babaeng nasa harapan ko. Naka corporate attire ito kaya litaw na litaw ang legs niya. Hindi ako bulag para hindi makita ang pasimpleng paghipo ng dalawang matanda sa kaniya kaya eto ngayon, pangatlong beses na niyang natapakan ang paa ko kaka-ilag sa dalawang matanda.
Hindi ko alam ang gagawin ko; kung tutulong ba ako or hindi. Hindi ako marunong magsalita ng hapon at hindi ako sanay sa mga ganito. Mukha pa namang warshock ang babaeng ito sa likod ng mala-anghel niyang pagmumukha.
"Please stop it!" napa-ayos ako sa pag-upo ng bigla siyang sumigaw. Fuck, natapakan niya ulit ang paa ko.
Nautal ang isang matandang lalaki sa kanya at ang isa naman ay napatingin sa akin. Biglang kumilos ang kamay ko at nagkunwaring nag-crack ako. Umiwas nang tingin ang lalaki at kinuhit ang kanyang kasama.
"I'm visiting this country peacefully, so could you please stop what the heck you're planning to do!" see, warshock nga. Ang liit liit niya pero ang astig niyang manalita.Bigla itong napatingin sa akin at nagtaka ako kasi sinamaan niya ako ng tingin. Waw. Siya pa may gana magalit, eh ako, kanina pa tinapak-tapakan paa ko.
"Anong tinitingin-tingin mo? Manyak ka rin?" nagulat ako slight nang bigla siyang nagalit sa akin. Natawa ako sa kaloob-looban ko kasi, pinoy nga siya. So weird.
Mukha ba akong manyak? Sa gwapo kong ito? Hindi pa nga lang ako sinagot ng nililigawan ko.
Ngumisi ako sakanya na ikinagulat niya. Mukha siyang nandidiri pero hindi naman takot. Astig to ah.
"Nope. Sorry, pero hindi ako pumapatol ng bata." Pero pwede kitang gawing baby ko.
Gulat na gulat ang reaksyon niya. Natatawa na ako. Halatang hindi niya inexpect na nagtatagalog ako. Ow, sino rin bang mag-aakalang lumaki ako sa pinas eh tatay ko ay Australian tas Half Filipino-Half Japanese ang mama ko. Missing nga lang silang dalawa.
"The fuck!" bigla niyang sabi. "Mukha ba akong bata?! College graduate na ako uy. Tangina mo!"
Ba't ba to mura ng mura?
Ba't di niya na lang ako Mahalin?
Okay cornee.
"Eto, suotin mo. Para naman matakpan 'yang kinabukasan mo." Sabi ko sa kanya sabay lahad ng malaki kong coat. Pasalamat siya't mabuti akong samaritano, slight.
Tinitigan niya pa ng ilang sigundo ang inilahad ko sakanya bago niya pagalit na kinuha sa akin ang coat KO, at sinuot niya agad. Nagmumukha siyang pari sa laki ng coat KO sakanya at hindi ko sinasabing cute siyang tingnan sa kanyang lagay pero parang ganun na nga.
Matapos niya itong suotin ay tumingin siya agad sa akin.
"Pakyu." Bahagya naman akong natawa.
"Your Welcome"